MALABON CITY – BUGBOG sarado sa harap mismo ng kanyang kasintahan ang isang binata mula sa dalawang lalaki dahil sa dating alitan kahapon ng madaling araw.
Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center si Mark Kerwin Alhambra, 20, jobless, naninirahan sa No. 23 Cilia 11 Street, Barangay Bayan-Bayanan ng dahil sa mga pasa sa mukha at katawan.
Pinaghahanap naman ang dalawang suspek na nakilalang sina Jocel Jacala, 20, ng Sitio 6, Brgy. Catmon at isang alyas “Jay” ng Cilia II St., Brgy. Bayan-Bayanan.
Base sa imbestigasyon nina SPO2 Joselito Bagting at PO3 Julius Mabasa, alas-2:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kahabaan ng Cillia II Street, Barangay Bayan-Bayanan.
Magka-holding hands umano na naglalakad ang biktima kasama ang kanyang nobyang si Erika Remedi-os sa naturang lugar patungo sa Gen. Luna nang lumapit ang mga suspek at pinagtulungang bugbugin ang binata sa harap mismo ng girlfriend.
Hindi pa nasiyahan ang dalawa, kumuha pa ng bote ng alak at inihampas sa likod ng binata bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang nobya sa naturang pagamutan. VICK TANES/EVE GARCIA
Comments are closed.