MAGUINDANAO – MISTULANG inihalo sa semento ang katawan ng isang 19-anyos na lalaki na namatay sa cement mixer sa ulat ng pulisya sa Sultan Kudarat.
Naganap ang freak accident sa Brgy. Sandakan na ikinasawi ng biktimang si Datu Ali Acob, may asawa at isang anak , at residente ng Barangay Dalumangcob sa naturang lugar.
Kasalukuyang inaalam pa ng mga imbestigador kung aksidente o sinadya ang pangyayari na naging dahilan ng kamatayan ng nasabing manggagawa.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Sultan Kudarat-PNP na nililinis lamang umano ng biktima ang loob ng cement mixer nang pinaandar ng kaniyang kasama ang truck na dahilan para umandar at umikot ng tuloy tuloy ang mixer.
Sinasabing posibleng hindi namalayan ng kasama na nasa loob si Acob kaya nagpaikot-ikot ito sa loob hanggang sa tila naging lantang gulay sa hilo at tuluyang bawian ng buhay.
Sa ngayon pinaghahanap na ng awtoridad ang kasama nito matapos tumakas sa insidente. VERLIN RUIZ
Comments are closed.