BINATA NASAKOTE SA 8 COUNTS NG KASONG RAPE

RIZAL-HULI sa 8 counts ng iba’t ibang klaseng kasong rape ng magkasanib na puwersa ng Binangonan PNP at Marikina PNP ang 39-anyos na drayber na sangkot sa panghahalay at acts of Lasciviousness sa Binangonan sa lalawigang ito.

Kinilala ni Col. Benliner Capili, Marikina Chief of Police, ang naarestong suspek na si Rommel dela Cruz y Sombe, binata at residente ng No. 464 Extention St., San Juan, Brgy., Darangan, Binangonan Rizal.

Nabatid na dakong alas-11:50 kamakalawa ng gabi nang arestuhin ng mga operstiba ng Warrant Section ang suspek sa tahanan nito.

Sa ulat ni Maj. Mo­nico Aliado, chief SIDMS, bitbit ng grupo ni PMaj. Federico Halog Jr, ang warrant of arrest na isyu ni Hon. Gay Marie F. Lubigan-Rafael, Presiding Judge, Regio­nal Trial Court Branch-73 ng Antipolo City.

Base sa warrant may kaso ang suspek na Rape, Qualified Rape Through Sexual Assault, Qualified Statutory Rape at Acts of Lasciviousness na may mga criminal cases # 21-77028 to 21-77036 (8 counts) noong Disyembre 12, 2021.

Ayon sa ulat, matagal ng nagtatago sa batas ang suspek sa nabanggit na lugar matapos isagawa ang krimen. ELMA MORALES