NORTH COTABATO – DAHIL sa selos o love triangle ang nakikitang anggulo ng mga imbestigador sa pagpatay sa isang binata na pinagbabaril matapos na ihatid ang isang dalaga sa Cotabato City kahapon.
Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Nursaud Pagayao Tipas alyas Dagul, 20, residente ng Brgy. Sandakan, Sultan Mastura, Maguindanao.
Sa imbestigasyon, inihatid ng biktima ang kaibigang babae sa Doña Terresa St., Brgy Poblacion 4, Cotabato City at habang pababa sa kanyang motorsiklo ay biglang dinikitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre 45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang motorsiklo.
Nagawang makatakbo ng babae palayo habang duguang bumagsak sa semento si Tipas na nagawa pang maisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) subalit hindi na umabot ng buhay sanhi ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan. VERLIN RUIZ
Comments are closed.