MALABON CITY -NASA kritikal na kalagayan ang isang binata matapos pagsasaksakin ng kalugar sa loob ng isang computer shop sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa leeg at mukha si Gerald Agana, 21, ng No. 872 Gulayan, Brgy. Catmon.
Pinaghahanap naman ng mga pulis upang maaresto ang suspek na nakilalang si John Paul Lopez alyas “Popong”, 24, at residente rin ng naturang lugar.
Lumabas sa imbestigasyon nina PO3 Roldan Angeles at PO2 Mardelio Osting, alas-10:00 ng umaga, naglalaro ng computer games sa loob ng isang computer shop sa 685 Interior Gulayan, Brgy. Catmon si Agana kasama ang kaibigan na si El John Vasquez, 25, nang lumapit ang suspek at nakipagkuwentuhan sa biktima.
Ilang sandali ang lumipas, nakita ni Vasquez ang suspek na kumuha ng kitchen knife mula sa kanyang baywang saka inundayan ng saksak sa leeg at mukha ang biktima.
Matapos ang insidente, itinapon ng suspek ang ginamit na kutsilyo bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ni Vasquez ang biktima sa naturang pagamutan.
Sa kasalukuyan, inaalam pa ng mga pulis ang tunay na motibo sa insidente. EVELYN GARCIA
Comments are closed.