LAGUNA – TIMBOG sa pinagsanib na puwersa kagawad ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at San Pablo City PNP ang 27 anyos na binata matapos magkasa ang mga ito ng drug buy bust operation sa Brgy. San Ignacio, lugar na ito kama-kalawa ng hapon.
Ayon sa ulat ni PIB Chief PMajor Ryan Jay Orapa kay Acting Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang suspek na si Eldon Pagkaliwagan, alias Ildon/Baha, residente ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng hapon ng magkasa ng buy-bust operation si Orapa, San Pablo City Chief of Police PLt. Col. Elmer Bao at kanilang mga tauhan sa lugar habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer.
Sinasabi sa ulat na doon mismo sa likuran ng bahay ng suspek, nakumpiska ng mga ito ang anim na paso na may tanim na marijuana kung saan ubod tanggi pa rin ito sa pulisya na hindi aniya ito sa kanyang pag-aari.
Kabilang sa nakumpiska ng mga ito sa loob ng bahay ang mga plastic sachet na hinihinalang ginagamit na lalagyan ng pinatuyong dahon ng marijuana.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa San Pablo City PNP Lock Up Cell para harapin ang isinampang kaso sa kanya ng pulisya. DICK GARAY
Comments are closed.