BINATILYO, 2 PA  NADALE SA HOSTAGE TAKING

hostage

LAS PIÑAS CITY – TATLO katao kabilang ang isang binatil­yo at suspek ang nasawi sa hostage taking kahapon sa lungsod na ito.

Naganap ang insidente sa Barangy Balikatan, CAA.

Sa pahayag ni Col. Simnar Gran, hepe ng Las Piñas police, naisugod sa ospital ang tatlo subalit idineklara ring dead on arrival.

Sa sketchy report, unang hinostage ni Renan Fulgencio, security guard, sina Reniel No­nato, 16-anyos; at Danilo Bilog, 35-anyos, businessman.

Nakalabas pa ng bahay si Bilog at nagpunta sa kalapit na tindahan para humingi ng tulong.

Patuloy na nanlaban sa mga pulis si Reniel at pinaputukan ang mga ito dahilan para gumanti ang alagad ng batas.

Ayon naman sa hepe ng Las Piñas Police Office, pinaputukan na nila ang nasa­wing suspek dahil hindi pumayag sa ginawang negosasyon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM