BULACAN – NADAKIP ng Meycauayan City Police ang limang kabataang lalaki kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang halinhinan nilang gahasain ang isang 19-anyos na babae matapos na dalhin nila ito sa abandonadong bahay matapos mag-inuman sa Meycauayan City noong Sabado ng gabi.
Base sa report ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, nakilala ang mga nadakip na sina alyas Renz, Jay at Marvin Fulgencio, 20; alyas Joe at isa pang 16-anyos, pawang residente sa nasabing lungsod na nakapiit ngayon at nahaharap sa kasong rape.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas- 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente makaraang makipag-inuman ang biktimang itinago sa pangalang Alma, 19, sa mga suspek at matapos ang inuman ay nagpasya ang biktimang umuwi kung saan sinamahan ito ng mga suspek.
Ngunit sa halip na ihatid ay dinala ng mga suspek ang biktima sa bakanteng bahay at doon ay halinhinan nilang ginahasa ang kainuman at nang makakuha ng tiyempo ang biktima ay tumakas ito at humingi ng tulong sa pulisya.
Kaagad na iniutos ni P/Lt.Col.AquinoOlivar, Meycauayan City police chief, na magresponde kaya kaagad na nadakip ang limang suspek na nahaharap ngayon sa kasong rape. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.