BINATILYO NALUNOD SA IRRIGATION CANAL

nalunod

ISABELA-ISANG binatilyo ang namatay matapos na nalunod habang naliligo sa irrigation canal kasama ang mga kaibigan sa Barangay Sta Cruz, San Manuel ng nasabing lalawigan.

Nakilala ang biktima na si Jundell Pascual, 14-anyos, grade 9 student at residente ng District 3, San Manuel, Isabela na natagpuan ng mga rescuer na nakalutang sa malalim na bahagi ng irrigation canal at wala ng buhay.

Sa imbestigasyon ng San Manuel Police Station, ang biktima kasama ang limang iba pa ay naligo sa irigasyon subalit, habang naglalaro ay bigla umanong tumalon si Pascual dahilan para siya ay malunod.

Sinikap nasagipin ang biktima ng isa sa mga kasama na si Virgo Delos Reyes, 14-anyos subalit nabitiwan nila ang kapit at lumubog na ito sa tubig.

Napag-alaman na hindi marunong lumangoy ang biktima na naenganyo umanong maligo dahil sa init nang panahon. IRENE GONZALES

Comments are closed.