BINATILYONG NILAMON NG DIKE NATAGPUAN

WALA ng buhay nang matagpuan ng mga rescue team ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bangkay ng isang binatilyo sa Tabing Ilog Dike (Reverment Wall) Doroteo St., Santolan Pasig.

Kinilala ang biktima na si Rheallie Bobis, 12-anyos nakatira sa #20 Doroteo Extention sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ama ng biktima na si Aldrin Bitoon, 35-anyos nawala ang anak nitong Agosto 7 ng umaga.

Narekober ang bangkay ng bata ng rescue team sa pangunguna ni PO3 Edner Ersaudo dakong ala-6:30 ng umaga ng Linggo sa Ilog ng Dike (Revetment Wall) sa Doroteo St., sa nasabing lungsod.

Paniwala ng pulisya, posibleng naligo ang biktima kung saan ito nalunod na natagpuan patay ng mga rescue team.

Tumanggi naman ang pamilya ng bata na isailalim pa sa autopsy ang bangkay ayon sa mga awtoridad. ELMA MORALES

6 thoughts on “BINATILYONG NILAMON NG DIKE NATAGPUAN”

  1. 650879 815094 Spot on with this write-up, I truly believe this website needs much more consideration. Ill probably be once more to read significantly much more, thanks for that information. 142006

  2. 919575 775420Fantastic beat ! I wish to apprentice while you amend your web website, how can i subscribe for a weblog web site? The account aided me a appropriate deal. I had been just a little bit acquainted of this your broadcast provided bright clear concept 263641

Comments are closed.