Naghain ng kasong estafa ang operator ng isa sa pinakamalaking mall-based bingo games sa bansa laban sa isang BingoPlus player at tatlong empleyado ng BingoPlus matapos malaman na nagsabwatan ang mga ito upang manalo ng P3.96M.
Nahaharap sa mga kaso ang tatlong empleyado ng BingoPlus sa isang mall sa Cauayan, Isabela na sina Jefferson Castillo, Catherine Vargas, at Liwliwa Viloria, kasama ang player na si Rafael Ramirez na umano’y nagsabwatan upang dayain ang resulta ng laro ng Bingo Milyonaryo sa naturang branch ng BingoPlus.
Sa reklamo ng Grand Polaris Gaming Co. Inc., operator ng BingoPlus, inakusahan ang mga suspek na nakikilahok sa “game fixing activities” upang tiyakin na manalo si Ramirez sa jackpot ng Bingo Milyonaryo noong Enero 19, 2024.
Matapos ireport ng BingoPlus ang scheme, isang imbestigasyon ang isinagawa ng pulisya kung saan nabunyag na matapos manalo si Ramirez, hinati niya ang premyo sa mga empleyado.
Nakita sa audit findings at CCTV review ng Grand Polaris ang pagbuo ng tatlong empleyado ng plano upang dayain ang laro.
Maaaring makulong ang mga akusado ng apat hanggang walong taon.