INIHAYAG ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbigay ng 3 linggo sa mga nanalong opisyal sa Barangay at SK elections na manumpa sa puwesto at magsumite ng statements of contribution and expenditures (SOCE).
Ito ay alinsunod sa inisyung memorandum circular ng ahensiya bilang tugon sa sulat mula sa Commission on Elections kung saan ang mga kandidatong nakakumpleto ng naturang requirements ay agad ng mauupo sa puwesto.
Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos, sa ilalim ng kanilang Memoranduim circular 2023-166 dapat na magkaroon ng transition period nang hindi lalagpas sa 3 linggo para sa mga outgoing at bagong opisyal ng BSKE para matiyak ang maayos na transition ng pamamahala, mga pananagutan at aktuwal na turn-over.
Nagbabala rin ang kalihim sa mga mabibigong mag-assume sa puwesto sa loob ng 3 linggo matapos manalo sa lokal na halalan na maaaring maharap sa kasong administratibo. EVELYN GARCIA