PINAGKALOOBAN ng royal pardon at nakauwi na sa bansa nitong Linggo ang 13 Pinay surrogates na nakulong sa Cambodia dahil sa human trafficking, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“All 13 women departed Phnom Penh and arrived safely in Manila following the grant of Royal Pardon by His Majesty Preah Bat Samdech Preah Boromneath Norodom Sihamoni on 26 December 2024,” pahayag ng DFA sa isang statement.
Ang mga surrogate ay hinatulan ng apat na taong pagkakabilanggo noong December 2 ng isang korte sa Cambodia dahil sa paglabag sa batas ng naturang bansa sa Suppression of Human Trafficking.
“Upon the request of the Philippine Embassy and with the endorsement of the Royal Government of Cambodia, the Royal Decree pardoning all 13 Filipinos paved the way for their release and immediate repatriation,” ayon sa DFA.
“The Philippine Government thanks the Royal Government of Cambodia headed by Samdech Moha Borvor Thipadei Prime Minister Hun Manet for the humanitarian treatment extended to the
Filipino mothers throughout the investigative and judicial processes,” sabi pa ng ahensiya.
“Their safe homecoming is a testament to the longstanding friendly relations between the Philippines and Cambodia and the firm commitment of both governments to combat human trafficking and other transnational crimes,” dagdag ng DFA.
Ang pag-uwi ng mga surrogate ay inayos ng DFA sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Phnom Penh at sa member agencies ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty noong nakaraang Dec. 4 na isa sa mga Pinay ay nakapanganak na.
Pinaalalahanan ng DFA ang mga Pilipino na ipinagbabawal ang surrogacy sa Cambodia. Ang mga lalabag ay mahaharap sa parusang pagkakakulong ng dalawa hanggang 20 taon, ayon kay Philippine Ambassador to Cambodia Flerida Camille Mayo.