CAMP CRAME – BAGAMAN aminadong nagkamali sa na-procure na patrol vehicles, tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na makikipagtulungan sila sa Office of the Ombudsman hinggil sa nasabing pangyayari.
Itinuturing isang leksiyon ang pagkakamali sa pagbili ng Mahindra Patrol Jeeps.
Sinabi ni PNP Directorate for Logistics Director Jovic Ramos ng Commission on Audit na marami sa mga Mahindra patrol jeeps ay kasalukuyang hindi nagagamit.
Subalit, nilinaw naman ni Ramos na 10 porsiyento lamang ng mahigit 3,000 patrol jeeps ang nakatengga sa ngayon dahil walang spare parts na makuha para sa mga ito.
Aniya, may problema sa supply ng piyesa dahil wala naman aniyang pabrika ang Mahindra sa Filipinas dahil ang Columbian Motors lang ang designated local maintainance provider.
Nakipag-ugnayan na aniya ang PNP sa Columbian Motors para maresolba ang problema.
Sinisi naman ni Ramos ang nakalipas na pamunuan ng PNP na bumili ng mga jeep noong 2015 na idiniliber noong 2016.
Kaya naman, aniya, sa susunod na vehicle procurements ng PNP ay kanila nang titiyakin na may service center sa lahat ng rehiyon ang provider ng mga bibilhing sasakyan ng PNP.
Tiniyak naman ni Ramos na makikipagtulungan ang PNP sa imbestigasyon ng Ombudsman dahil sa umano’y anomalya sa pagbili ng mga Mahindra patrol jeep. R. SARMIENTO
Comments are closed.