BINITAY NA PINOY ‘DI PUWEDENG IUWI

HINDI maaaring maiuwi ang mga labi ng binitay na Pinoy sa Saudi Arabia.

Ito ay alinsunod sa batas ng Kingdom of Saudi Arabia.

Taong 2020 nang masentensyahan sa kasong murder ang nasabing Pinoy, matapos umano niyang mapatay sa pamamagitan ng mar­tilyo ang kanyang business partner matapos ang hindi pagkakaintindihan ng dalawa.

Hindi naman nabanggit kung anong batas ng naturang bansa ang sumasaklaw sa pagpapauwi ng bangkay ng binitay na akusado.

Sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi nagpa­areglo ang pamilya ng biktima nang tanggihan nito ang  alok na “blood money” ng akusado.

Kinumpirma naman ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na may siyam pang mga Pilipino ang nakabinbin  sa death row sa Saudi Arabia na nahaharap ibat ibang kaso.

LS