ZAMBOANGA CITY – SALUDO si Bad Boy of the Philippine Cinema Robin Padilla sa mga sundalo dahil sa kagitingan ng mga ito.
Sa pagdalaw nito sa mga sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital ay ipinadama nito ang kanyang paghanga sa mga sundalo dahil matapang na idinedepensa ang estado.
Ayon kay Philippine Army Spokesman, Col. Ramon Demi Zagala, hindi napigilan ni Binoe na saluduhan ang mga sugatang sundalo na kanyang dalawin ang bayan ng Calarian.
“Isa akong practicing Muslim at I pray five times a day. Allah Hu Akbar din ang sinasabi ko, pero wala akong terorismo sa katawan,” ani Padilla.
Si Padilla ay sinamahan ng ilang army officials na sina Major Jean Alia Robles ng Office of Plans and Research Branch, at ni Captain Abdulraq Mohammad, Command Imam.
Ang King of Philippine Movie ay sinalubong ng mga opisyal ng AFP Western Mindanao Command sa Laong Laan sa Camp Navarro.
“The support that we get from people, like Mr. Padilla, will continue to spur our determination to confront the adversary and to win battles for the sake of peace and for our countrymen,” pahayag ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, WestMinCom commander. VERLIN RUIZ
Comments are closed.