BINONDO-INTRA BRIDGE BUKAS NA SA HOLY WEEK

NAKATAKDA ng buksan sa publiko ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa darating na Holy Week sa Abril ang Binondo-Intramuros Bridge kung saan inaasahang gagaan ang daloy ng trapiko sa sentro ng lungsod.

“As a friend, this is grant from the Chinese government and the design is very unique… You can see from here, that’s two arches joined together, symbolizing the kind of friendship, brotherly relationship between China and the Philippines… We move hand-in-hand, shoulder and shoulder, forward into a brighter future,” ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa isinagawang inspection kasama si Undersecretary Robert Borje mula sa opisina ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pamunuan ng DPWH, ang nasabing proyekto ay nilaanan ng budget na aabot sa P3.39 bilyon.

Sa sandaling buksan, tinatayang nasa 30,000 sasakyan ang maaring ma-accomodate kada araw at inaasahan maka­kabawas ng trapiko sa mga babagtas sa pagitan ng Binondo at Intramuros.

Sinabi ni Huang, na kabuuang limang tulay ang itatayo sa kahabaan ng Pasig River. Isa ang nakumpleto na habang tatlong iba pang tulay ang inaasahang makukumpleto sa susunod na taon. PAUL ROLDAN/FROILAN MORALLOS