INAASAHANG bubuksan na sa motorista sa first quarter ng 2022 ang nagpapatuloy na konstruksiyon ng Binondo-Intramuros Bridge Project.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary for Unified Project Management Office (UPMO) operations Emil K. Sadain, ang P3.39-billion bridge project sa Pasig River na pinondohan ng government aid grant mula sa People’s Republic of China ay 81 porsiyento nang “in work progress.”
Sa ilalim ng liderato ni Undersecretary Sadain, ang DPWH UPMO – ang tanggapan na nangangasiwa sa large-scale infrastructure programs ng ahensiya sa ilalim ng foreign grants – ay nakapagpatupad na ng flagship projects “that redefined travel experience across the country’s scattered archipelago.”
Ang bagong Binondo-Intramuros Bridge ay isang 680-meter, basket-handle tied steel arch bridge na magdurugtong sa Intramuros (sa Solana Street at Riverside Drive) at Binondo (sa San Fernando Bridge) areas na may viaduct structure sa Estero de Binondo.
Personal na tinalakay ni Undersecretary Sadain noong September 8, 2021 kay Project Manager Jose Vitorio Arataqiuo ng Meralco ang kahilingan ng DPWH para sa kagyat na reorientation ng 37 KV at 115 KV high tension cables sa Estero de Binondo malapit sa San Fernando Bridge na naapektuhan ng konstruksiyon ng north downramp sa Binondo side at ng electrical posts para sa downramp sa Intramuros side.
Itinuturing na isa sa flagship infrastructure projects ng DPWH sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program na pinondohan ng Official Development Assistance, ang proyekto ay inaasahang hindi lamang makapagpapabilis sa biyahe sa pagitan ng dalawang abalang distrito ng Intramuros at Binondo sa Manila kundi magbibigay benepisyo rin sa tinatayang 30,000 sasakyan araw-araw.
Ang proyekto ay ipinatupad ng DPWH UPMO Roads Management Cluster 1 na pinamumunuan ni Project Director Benjamin A. Bautista na may direct construction supervision ng Project Manager Melchor Kabiling.
Comments are closed.