NOONG May 3, 1968, pormal na binuksan ang Ford automotive assembly plant, 50 taon matapos itong itatag sa Pilipinas.
Ang mga principal sponsors nito ay sina Philippine President Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Romualdez Marcos, at si Reverend Father Pacifico Ortiz, S. J. naman ang nagsagawa ng invocation at blessing ceremonies. Si Industry Undersecretary Cesar Virata ang nag-proxy kay Marcos dahil nasa Bicol siya nang mga panahong iyon.
Ang plant site ay 182,000 square feet ng assembly facilities na nasa loob ng 11-hectare na lupain sa Muntinlupa industrial area. Ang mga produkto nila ay British Cortina, German Taunus, at US Galaxie, pati na mga trak na American at British.
Para sa nasabing plant, bumili ang Ford Motor Company ng pinakamodernong equipment and technological skill para maibigay ang highest standards ng vehicle quality required batay sa Ford research and testing, at gumamit ng latest machinery para sa advanced automotive technology ng Ford.
Mabibilang sa daliri ang hindi Filipino sa 450 empleyado ng Ford. Plano kasi ni C. Allan Foran, President and General Manager ng Ford, na i-turn over ito sa pamamahala ng mga Filipino sa mga darating na panahon. – LEANNE SPHERE