(Binuksan na ng DOTr 313-KM METRO MANILA BIKE LANE NETWORK

Transportation Sec Arthur Tugade

BINUKSAN na ng Department of Transportation (DOTr) noong Martes ang 313-kilometer Metro Manila Bike Lane Network —ang pinakamahabang bike lane network sa bansa sa kasalukuyan.

Sa isang statement, sinabi ng DOTr na ang bike lane network sa Metro Manila ay dadaan sa 12 lungsod: Pasig, Marikina, Quezon City, Caloocan, Manila, San Juan, Mandaluyong, Makati, Pasay, Las Piñas, Parañaque, at Taguig.

Ang bike lanes ay mula 1.5 hanggang 3 meters ang lapad depende sa configuration ng kalsada.

Ang Metro Manila Bike Lane Network ay bahagi ng 497 kilometers ng bike lanes sa Metro Cebu at Metro Davao.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ang Metro Manila bike lanes ay gumamit ng concrete delineators at flexible rubber bollards upang ihiwalay ang bikers sa motor vehicles.

Ang bike lanes ay ginamitan din ng puti at berdeng pavement markings gamit ang thermoplastic paint, bike symbols at signages, solar-powered road studs, at bike racks.

Kayang i-accommodate ng bike lane network ang 1,250 siklista kada araw para sa bawat metro ng road space.

6 thoughts on “(Binuksan na ng DOTr 313-KM METRO MANILA BIKE LANE NETWORK”

  1. 871784 402348Id ought to verify with you here. Which isnt 1 thing I often do! I get pleasure from reading a put up that will make individuals feel. In addition, thanks for permitting me to comment! 972836

  2. 149755 473925For anybody who is considering about external complications, sometimes be tough amaze those to realize to produce just a single weed in this extremely flowing generally requires eleven liters concerning gasoline to. dc totally free mommy weblog giveaways family trip home gardening house power wash baby laundry detergent 889371

Comments are closed.