INILUNSAD ng pamahalaan ang first phase ng Central Business Portal (CBP) nito na magpapadali sa pagpaparehistro sa isang negosyo.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ang online one-stop shop ay nag-aalok ng single site/one-stop shop para sa lahat ng business-related information at transactions, tulad ng pagpaparehistro sa isang korporasyon, pagpaparehistro sa negosyo at pagkuha ng business permits/certificates, licenses mula sa Securities and Exchange Commissioner (SEC), BIR, Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG.
Para makapag-transact, ang CBP ay maaaring ma-access sa https://business.gov.ph.
Ayon sa BIR, para sa initial implementation ng CBP, ang online portal ay magiging available sa domestic corporations, partikular sa one-person corporation, korporasyon na may dalawa hanggang apat na incorporators; regular corporations na ang incorporators ay juridical entities at/o ang capital structure ay hindi saklaw ng 25%-25% rule.
Ang CBP ay nagkakaloob ng Unified Application Form para sa lahat ng ahensiya na may kinalaman sa business registration process.
“Thus, citizens who are registering a corporation no longer need to accomplish and file several registration forms in different government agencies,” sabi ng BIR.
Kumpiyansa si BIR Commissioner Caesar Dulay na sa inilunsad na online registration platform ay maraming taxpayers ang mas mapapadali at mapabibilis ang pagtugon sa registration requirements ng pamahalaan.
“It will put delays, bureaucratic gridlocks and inefficiencies a thing of the past. It will likewise put more taxpayers into the tax net thereby strengthening revenue collection efforts and eventually pump more lifeblood into the veins of government operations,” ani Dulay.
Kabilang sa BIR-related features mg CBP ay ang online generation/issuance ng Taxpayer Identification Number (TIN) ng mga bagong korporasyon; identification ng national internal revenue taxes kung saan magkakaroon ng pananagutan ang mga bagong korporasyon; online payment ng annual registration fee (ARF) na P500.00 at loose Documentary Stamp Tax (DST) na P30.00; at pagkuha ng BIR Electronic Certificate of Registration (COR).
Ang CBP ay nilikha alinsunod sa RA No. 11032 o ang Ease of Doing Business Act.
Isa itong proyekto na pinangungunahan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), sa pakikipagtulungan ng DICT, BIR, SEC, PhilHealth, at Pag-IBIG.
Comments are closed.