BINUKSAN ng Land Bank of the Philippines (LandBank) ang P333.3-million credit facility na maaaring gamitin ng coconut farmers para dagdagan ang kanilang working capital at mapataas ang produksiyon.
Sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development (CFID) Lending Program, ang eligible coconut farmers at associations ay maaaring makahiram ng pondo sa facility para sa mga proyekto tulad ng pagtatayo ng intercrops at poultry o livestock integration sa kanilang mga sakahan.
Maaaring gamitin ng mga magsasaka ang pondo bilang working capital, para mapataas ang produksiyon, at makabili ng mga makinarya at kagamitan. Samantala, maaari naman itong gamitin ng mga kooperatiba na pantustos sa relending at rediscounting.
Ang lending program ay binubuo ng P83.3 million mula sa pondo ng LandBank, at P250 million mula sa Credit Component Allocation sa ilalim ng Coconut Farmers Industry Trust Fund na pinagtibay noong February 2021.
“The CFID Lending Program forms part of the national government’s whole-of-nation approach towards providing meaningful investments to the coconut industry,” wika ni LandBank President and Chief Executive Officer Cecilia Borromeo.
Ayon sa state-run lender, ang programa ay tatakbo hanggang 2071 upang ma-accommodate ang mas maraming players.