(Binuksan ng LTFRB) 10K BAGONG TNVS SLOTS

KARAGDAGANG 10,000 slots para sa mga driver ng ride-hailing services ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, ang 10,000 slots para sa  Transport Network Vehicle Service (TNVS) program ay magkakaloob ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Sinabi ni Guadiz na hindi siya naniniwala na ang pagdaragdag ng 10,000 bagong TNVS units ay magkakaroon ng negatibong epekto sa mga jeepney at tricycle dahil magkakaiba ang kanilang merkado.

Aniya, ang pagkakaroon ng karagdagang TNVS vehicles ay makababawas sa waiting times ng mga pasahero at makabubuti sa overall accessibility, lalo na sa mga lugar na mataas ang  demand.

Ayon sa LTFRB, batay sa kanilang pag-aaral noong 2019, ang Metro Manila ay nangangailangan ng 65,000 TNVS units.