BIOSAFETY PLAN VS COVID-19 PINAIGTING NG PNP

PNP Spokes­person Senior Superintendent Bernard Banac 

CAMP CRAME -UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga pulis na nasa national headquarters, itinayo ang  walk-thru decontamination station sa pedestrian entrance ng kampong ito sa Quezon City.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman,  BGen.  Bernard Banac, layunin nito na i-disinfect muna ang lahat ng bibisita sa kampo.

Sinabi pa ni Banac na ipinag-utos ni PNP Chief, Gen. Archie Gamboa na gumawa ng safety measures para maproteksiyonan mula sa virus ang tahanan ng pulisya.

Sa halos araw-araw na pulong ng mga senior official sa Camp Crame na pinamunuan naman ni Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan, PNP Deputy Chief for Administration,  kasama ang PNP Health Service (PNP-HS), nabuo ang Biosafety Plan.

Sa report, ang PNP-HS ang nagrekomenda ng pagtatayo ng makeshift decontamination.

Ang mga walk-in visitor ay dapat dumaan sa decontamination tent at doon daraan para sa thermal scanning at disinfection.

Habang ang mga sasakyan naman bago makapasok ay isasailalim din sa disinfection gaya ng pag-spray sa mga gulong.

“Lahat ng bibisita ay dapat ma-check muna, lahat ng gulong ng sasakyan isasailalim sa disinfection para maiwasan na makapasok ang virus sa kampo, ” pahayag ni Cascolan sa PILIPINO Mirror.

“The procedure is part of the PNP-wide Biosafety Plan recommended by the PNP Health Service, that is now being observed in Camp Crame and all PNP camps as a preventive measure against the spread of COVID-19,” ayon naman kay Banac.

Bahagi rin ng Biosafety Plan ang tamang disposal ng biohazardous waste materials gaya ng discarded personal protective equipment (PPE), face mask at gloves na ipinatutupad ng Headquarters Support Service (HSS).

76 PUI, 905

PUM COPS

Samantala,  ayon kay Banac,  as of March 26, naitala na ng kanilang HS ang 905 person under monitoring (PUM) at 76 person under inves-tigation (PUI).

Puspusan din ang monitoring ng PNP doctors sa dalawang pulis na nagpositibo sa COVID-19.

2 PULIS NA NASAWI ‘DI DAHIL SA COVID-19

Samantala,  nilinaw ni Banac na hindi dahil sa COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay nina PSSgt Roderick Taca ng CIDG at PSSgt Feliciana Malana ng HPG kundi iba pang karamdaman. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.