BELIEVE it or not, umabot sa mahigit 20 ang aspirante sa mababakanteng posisyon ng commissioner sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na naghihintay ng basbas ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr.
Kung si incoming Finance Secretary Benjamin Diokno ang masusunod, nais niyang siya mismo ang pumili sa mga bagong uupong commissioners ng BIR at BOC na nasa ilalim ng kanyang pamamahala.
“It is an honor to serve the Filipino people in my current and any future capacity. I am grateful and humbled by the trust and given to me by President Marcos to help his administration manage the country’s fiscal affairs. As DOF secretary, I will strive to continue prudently and carefully balancing the need to support economic growth, on onehand, and to maintain fiscal discipline on the other,” sabi ni Diokno, kasalukuyang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa BOC, ultimo mga dating nagsilbing hepe ng Aduana ay nakapila rin para makabalik sa puwesto. Sa BIR naman ay nababanggit ang pangalan bilang mga aspirante sina Deputy Commissioner Arnel Guballa, former Large Taxpayers Service Assistant Commissioner Edwin Abella, retired Leyte BIR Regional Director Ace Martinez, Makati City BIR Regional Director Maridur Rosario, resigned East NCR BIR Regional Director Romulo Aguila, Jr.; resigned East NCR Regional Investigation Division Chief Romeo Lumagui, Jr. at iba pa.
Matapos pumutok ang naunsiyaming pagpapasara sa itinuturing na isa sa pinakamalaking establisimiyento na pag-aari ni business-tycoon Andrew Tan na Megaworld, ibinigay na lamang umano ni BBM ang pagpapasiya kay Diokno sa pagpili sa itatalagang commissioner sa Rentas Internas at Aduana.
“Some unscrupulous BIR personnel have asked several business owners for ‘pabaon’ (parting gift) on his behalf. This BIR people are going around town harassing people. I really got pissed of because that is absolutely not true,” sabi ni outgoing DOF Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez.
“As developers, we pay corporate income tax based on the net income of our real estate development. That creditable withholding tax is just portion of that bigger tax. The final accounting is the corporate income tax which has been investigated by the Large Taxpayers Service (LTS) for the last 20 years and this is where a more comprehensive investigation can be done,” wika ni Mr. Tan, kasama ang anak nitong si Kevin Tan sa congressional investigation via Zoom sa kontroberisyal na naudlot na ‘closure’ ng Megaworld.
Ang naunsyaming closure order na pirmado ni Makati City BIR Regional Director Eduardo Pagulayan, Jr. laban sa nasabing real estate company ay ipatutupad sana ni DepCom Guballa.
Kuwestiyonable at kontrobersiyal ang nabigong ‘shutdown’ ng Megaworld dahil sa dalawang katanungan: Ang tax case ay hawak umano ng Large Taxpayers Service at hindi ng Makati BIR na nag-aatubili sa pagpapasara, at si DepCom Cabreros ang itinalagang OIC ni Dulay subalit si DpeCom Guballa ang kasama sa operasyon na nakatakda sanang magpatupad sa ’closure order’.
Ang Megaworld ay isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa na may kinalaman sa real estate kung saan ang malagong negosyo nito ay nagsimula noong 1989, ayon sa record sa Philippine Stock Exchange.
Ang portfolio ng real estate nito ay binubuo ng mga condominium apartment, subdivision lots, townhouses at pati na ang mga opisina at retail na mga gusali.
Ang Megaworld at mga kaakibat nitong kompanya ang nasa likod ng pagpapatayo ng humigit kumulang sa 725 residential structures, 72 office towers, 24 life-style mall at 12 hotel brand, kabilang ang mga condotel, Rich Monte Hotel Group International Ltd., Eastwood Cyber One Corp., Suntrust Properties, Inc., Empire East Land Holdings, Inc., Global Estate Resorts, Inc. at Bonifacio West Development Corporation – kabilang ang subsidiary at kasosyo ng Megaworld.
Bukod sa Megaworld, nalagay na naman sa isa pang kontrobersiya ang BIR nang umano’y hindi magsipagpasok ang ilang top officials nito noong nakaraang Biyernes na tila inabandona ang kanilang mga trabaho matapos na lumahok sa isang golf tournament sa Baguio City.
Ang nasabing okasyon ay pa-birthday golf tournament umano ng isang BIR deputy commissioner na hindi inalintana ang kahalagahan ng kanilang trabaho bilang mga public servant.
Pinasisiyasat na ito ni Commissioner Dulay kay OIC Commissioner Cabreros at sinuman ang mapatunayang lumahok sa nasabing tournament, hindi nag-leave at inabandona ang kanyang trabaho ay posibleng madismis, masuspinde o malagay sa ‘freezing capacity’.
oOo
(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag- email sa [email protected].)