INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay at Bureau of Customs Commissioner Isidro ‘Sid’ Lapeña na lipulin ang mga sangkot sa technical smuggling activities sa bansa at kasuhan ng economic sabotage.
Para sa kabatiran ng lahat, ang gobyerno ay patuloy na nawawalan ng hanggang P200 bilyon sa koleksiyon sa buwis kada taon dahil sa hindi mapuksang smuggling ng petroleum products, tobacco, cement, palm oil, wood, steel bars at maging ng bulto-bultong sako ng bigas.
Nagsanib-puwersa ang intelligence forces ng BIR at BOC para sugpuin ang lumalaganap na smuggling activities, buwagin ang sindikato na nasa likod nito at ipakulong ang mga sangkot sa ganitong uri ng aktibidad.
Naalarma si Presidente Duterte matapos ibunyag ni Federation of Philippine Industries Chairman Jesus Arranza na patuloy pa ring kumikilos ang sindikato sa smuggling na dahilan ng pagkawala ng halos P200 bilyon sa kaban ng gobyerno.
Sa technical smuggling, ang mga importer ay nagsasagawa ng undeclared value para mapaliit ang duties and taxes na babayaran sa pamahalaan.
“Based on our computations, and comparing these with International Monetary Fund (IMF) data on other countries, exports to the Philippines, we looe P200 billion every year. These losses did not include the damaging impact of multiplier effects across the economy,” paliwanag ni Arranza.
Ang BIR at BOC ay bumuo ng joint task force para labanan at sugpuin ang smuggling activities sa bansa.
“Smuggling affects local industries. They end up with reduced sales, and because of that, they reduce what they pay to the government. Apart from rampant smuggling of petroleum products, technical smuggling was also rampant with tobacco, cement, palm oil, wood, steel bars and rice,” sabi pa ni Arranza.
Paliwanag pa niya, ang tinatawag na multifaceted and smugglers ay nag-adopt ng kanilang methods sa kung paano sila makapandaraya nang husto sa gobyerno. Ang ganitong klase ng sistema ng panlilinlang ay matagal na umanong ginagawa ng sindikato at hindi maaalis ang posibilidad na may mga kasabwat sa gobyerno kaya nagtatagumpay ang mga ito sa kanilang masamang gawain.
“The racket is underdeclaration or connivance with some government agencies where they tamper with formula of manufacture. They declare an increased amount of wastage for example,” aniya.
Tiwala ang Malacañang na sa pamumuno nina Dulay at Lapeña, mababawasan, kundi man ganap na masusugpo ng BIR at BOC ang lumalalang smuggling activities sa Aduana.
Umaasa si Presidente Digong na kapag nagtagumpay ang kampanya ng grupo nina Dulay at Lapena laban sa smuggling activities ay mas tataas pa ang tax collections ng BIR at BOC sa hinaharap.
oOo
Para sa mga komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344 o mag-email sa erickbalane04@yahoo.com.
Comments are closed.