TULOY ang balasahan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) sa layuning makuha ang iniatang na target tax collection goal ngayong 2020 fiscal year, ayon kay Department of Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez.
Sinabi ng DOF Chief na isang malaking hamon ang kakaharapin sa taong ito ng mga key official ng BIR at BOC sa pangunguna nina Commissioners Caesar ‘Billy’; Dulay at Rey Leonardo Guerero para makolekta ang kani-kanilang target tax goal at tuluyang linisin sa katiwalian o korupsiyon ang dalawang collecting agencies ng bansa.
Sa kanyang congratulatory letter kay Secretary Dominguez, pinuri ng Chief Executive ang masigasig na tax campaign at pakikidigma ng BIR at BOC laban sa mga erring o tax evaders-kinabibilangan ng mga trader, prominent businessmen at maging ang mga smuggler o yaong tinaguriang “the rich and famous syndicates” na nasa likod ng smuggling activities sa Aduana gayundin sa Kawanihan.
Una nang pinapurihan mismo ni Presidente Duterte bago magtapos ang taong 2019 sina Commissioners Billy Dulay at Leonardo Guerrero matapos makakolekta ng mahigit P2 trilyon at makuha ang iniatang sa kanilang target tax goal.
Sa papuri ng Pangulong Digong kina Dulay at Guerrero, tila indikasyon ito na ang dalawang commissioners ay mananatili sa kanilang puwesto sa harap ng ‘rumor’ na plano silang palitan sa puwesto nang bumagsak ang tax collections sa kalagitnaan ng nakaraang taon, ngunit nakabawi bago magtapos ang taxable year 2019.
Inaasahang maaapektuhan sa nasabing balasahan ang mga deputy commissioner, assistant commissioners, regional directors, revenue district officers sa BIR, samantalang sapol naman sa revamp sa BOC ang mga deputy commissioner, port collectors, examiners at iba pa.
Ibinigay naman ni Commissioner Dulay kay Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa ang kredito sa magandang tax collection performance ng BIR sa pakikipagtulungan nina BIR Regional Directors Grace Javier (Caloocan City), Jethro Sabariaga (City of Manila), Romulo Aguila, Jr. (Quezon City-B), Albin Galanza (QC-A), Maridur Rosario (Makati City-A), Glen Geraldino (Makati City-B), Dante Aninag (Legazpi City), Ed Tolentino (San Fernando, Pampanga), Metro Manila Revenue District Officers Vicente ‘Boy’ Gamad (Pasig City), Bethsheba Bautista (San Juan City), Chito Alberto (Sta. Cruz, Manila), Arnold Galapia (QC South), Antonio ‘Jun’ Mangubat, Jr. (Parañaque City), Rufo Ranario (Valenzuela City) at iba pa. Ayon kay DepCom Guballa, umabot sa P2 trillion ang nakolekta ng BIR mula buwan ng Enero hanggang sa pagtatapos nitong buwan ng Disyembre 2019 o mas mataas ng mahigit sa 200 milyon kung ihahambing sa nakaraang 2018 tax collection goal.
Ang pinakamalaking bulto ng koleksiyon ng buwis sa BIR, ayon pa kay DepCom Guballa, ay mula sa Large Taxpayers Service sa ilalim ng pamamahala ni LTS Assistant Commissioner Manuel Mapoy na nakapagrehistro ng P1.3 trillion mula sa mahigit na 5,000 top-corporations sa bansa kabilang na ang mga conglomerate companies.
Noong nakaraang 2019 taxable year, ang BIR ay naatasang kumolekta ng kabuuang P2.309 trillion, mas mataas ng 13.24 percent kung ihahambing sa nakalipas na taon; habang ang BOC ay P662.2 bilyon o nag-increase ng 13.19 percent kumpara sa nakaraang taong 2018.
Ngayong fiscal year 2020, ang BIR ay may tax goal na P2.617 trillion, mataas ng 13.13 percent sa 2019 tax goal; samantalang ang BOC ay P748.2 bilyon o nag- increase ng 12.99 percent kumpara sa kasalukuyang tax goal.
Sa susunod na taong 2021, ang BIR ay tinokahang kumolekta ng P2.942 trillion, mataas ng 12.42 percent; (BOC) – P826.2 bilyon, mataas ng 10.43 percent; habang sa taong 2022 o sa huling termino ni Pangulong Duterte – ang BIR ay pinakokolekta ng halagang P3.312 trillion, increase by 12.42 percent; samantalang ang BOC naman ay may tokang P914.8 bilyon o mataas ng 10.17 percent.
Ang major revamp sa BIR at BOC ay sadyang inihanda ni Secretary Sonny Dominguez dahil sa laki ng iniatang na tax collection goal sa nasabing tanggapan sa layuning mabilis nitong magawan ng paraan na makamit ang inaasam na tax collection sa buwis ngayong taong 2020. (Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344 / 09266481092 o email:[email protected])
Comments are closed.