NAHAHARAP na naman sa malaking pagsubok ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) para kolektahin ang iniatang sa kanilang tax collection goals para sa taong 2019 hanggang 2022 sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo upang matiyak na maisasakatuparan ang lahat ng proyektong ipinangako sa taumbayan, partikular ang ‘Build, Build, Buld’ program.
Para sa kasalukuyang taon, ang administrasyong Duterte, sa pamamagitan ni Department of Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, ay nag-atas sa BIR na kolektahin ang P2.309 trillion na buwis, mas mataas ng 13.24 percent kung ihahambing noong nakaraang taon, habang sa BOC naman ay P662.2 bilyon o mas mataas ng 13.19 percent kumpara noong 2018.
Para sa taong 2020, ang BIR ay pinakokolekta ng DOF ng P2.617 trillion, mas mataas ng 13.13 percent sa 2019 tax collection goal, samantalang sa BOC ay P748.2 bilyon o nag-increase ng 12.99 percent kumpara sa kasalukuyang tax goal.
Para sa taong 2021, ang BIR ay inatasang kumolekta ng P2.942 trillion, mas mataas ng 12.42 percent, habang ang BOC ay P826.2 bilyon o mas mas mataas ng 10.43 percent.
Sa huling taon ni Presidente Duterte, ang BIR ay inatasang kumolekta ng P3.312 trillion, nag-increase ulit ng halos 12.42 percent, samantalang ang BOC ay pinakokolekta ng P914.8 bilyon o mas mataas ng 10.17 percent.
Bagama’t itinuturing ng ilang economic experts na ‘suntok sa buwan’ o imposibleng makolekta ng BIR at BOC ang ibinigay sa kanilang tax collection goals mula 2019 hanggang 2022 dahil sa sobrang taas, naniniwala ang mga economic manager ni Pangulong Duterte na kakayanin ito sa sipag at tiyaga at sa magandang relasyon ng taxpayers at gobyerno.
Dahil bagsak ang tax collections ng BIR at BOC at kapwa nahaharap sa paglabag sa umiiral na Lateral Attrition Law (LAL) ang mga key official ng dalawang ahensiya, isang balasahan ang isinagawa ng DOF bago pa ipatupad ang election ban kaugnay sa nalalapit na midterm polls sa Mayo 13.
Ang attrition law ay ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nagpapataw ng mabigat na kaparusahan sa sinumang opisyal ng BIR at BOC na mabibigong makuha ang iniatang sa kanilang tax goal.
May parusang dismissal o pagkatanggal sa serbisyo ang sinumang lalabag sa kautusang ito at walang makukuhang benepisyo kapag sa loob ng tatlong taon sa kanilang puwesto ay nabigong makolekta ang nakaatang sa kanilang tax goal.
Para makaligtas sa parusang ito, ilan sa key officials ng BIR at BOC ay inilipat na lamang umano sa puwesto.
Ayon sa source, pinag-iisipan ngayon ng Malacañang kung bakit wala ni isang naparusahan sa paglabag sa LAL dahil sa matinding ‘shortfall’ na dinanas ng dalawang collection agencies.
Nais ng Malacañang na kunan ng paliwanag ang pamunuan ng BIR at BOC, gayundin ang DOF.
Hindi umano sapat ang revamp, at ang dapat ay maparusahan ang mga violator.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.