MANANATILI sa puwesto si Bureau of Internal Revenue (BIR) Comissioner Caesar ‘Billy’ Dulay dahil sa magandang tax collection performance nito sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Finance (DOF).
Matinding dagok ang nalasap na shortfall sa tax collections ng BIR mula Marso hanggang Hunyo, subalit unti-unting nakabawi ang Kawanihan sa pandemya matapos na paigtingin ni Commissioner Dulay ang tax campaign para mahabol ang shortfall sa tax collections.
Una nang nagpakitang-gilas ang Metro Manila regional at district officers na nahigitan ang iniatang sa kanilang tax collection goal.
Sinundan ito ng ekselenteng tax collection performance sa mismong teritoryo ni Presidente Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa pagbandera ng tax collections ni Davao City BIR Regional Director Joseph Catapia para makuha ang tax goal nina Revenue District Officers West Davao City Eddie Castillo, Tagum City Davao Del Norte Cherry Jaldon, East Davao City Malic Umpar, Mati Davao City Manuel Delfin at Digos City Davao Del Sur Mary Ann Cervantes.
Ikinagalak ito ni Davao City Mayor Sarra Duterte sa pagsasabing indikasyon ito ng muling pagsigla ng ekonomiya sa kanyang lugar.
Tumaas din ang tax collections nina Cagayan De Oro City Regional Director Florante Aninag at Assistant Director Emir Abutazil at Revenue District Officers Gingoog City, Misamis Oriental Judith Pacana; Cagayan De Oro City, Misamis OrientalGledonio Teofe, Jr.; Malaybalay City, Bukidnon Jonelle Fauna; Osamis City, Misamis Occidental Mampay Pangcoga; Iligan City, Lanao Del Norte Aminoding Macarampat at Marawi City, Lanao Del Sur Monib Dimalomping.
Kasama rin sa top collections si Tuguegarao BIR Regional Director Josephine Virtucio at mga RDO nitong sina Tuguegarao City Reymarie Dela Cruz, Bayongbong, Nueva Vizca Vivian Tarectecan; Naguilian, Isabela Nasrollah Conding at Cabarroguis, Quirino Maria Isabel Utit.
Tumaas din ang koleksiyon nina LaQueMar at CaBaMiro Regional Directors Ricardo Espiritu at Gerry Dumayas, ayon sa pagkakasunod, dahil sa matagumpay na tax mapping drive nina RDOs Calamba City, Central Laguna Antonio Mangubat, Jr; San Pablo City, East Laguna Alma Celestial Cayabyab; West Laguna, Binan City Timm Renomeron; Lucena City, North Quezon Narciso Lauerta; Gumaca, South Quezon Carlos Slazar; Boac, Marinduque Romana Marietta Belen; Adiongan, Roblon Benjamin Cruz, Jr.; San Jose, Occidental Mindoro Rosalinda Cabidog; Trece Martirez City, East Cavite Gerlo Cacatian; Kawit, West Cavite Danilo Lino; Batangas City, West Batangas Mario Eleda; Lipa City, East Batangas Rosemarie Talaman at Calapan City, Oriental Mindoro Emelita Abo.
Hindi inaasahan ni Finance Secretary Calos ‘Sonny’ Dominguez III na hahataw nang husto ang BIR para mahabol ang tinamong shortfall at malagpasan pa ang tax collection goal sa kabila ng pendemyang dulot ng COVID-19 para tapatan ang nakakasang 2021 national budget ng bansa na nagkakahalaga ng P4.5 trillion.
Gumuhit ng kasaysayan sa pagkolekta ng buwis ang Makati City – (B) sa ilalim nina BIR Regional Director Glen Geraldino at Assistant Regional Director Bobby Mailig. Sa buwan pa lamang ng Agosto ngayong taon ay sumobra na ng mahigit P7 bilyon ang nakolekta nitong buwis at posibleng umabot pa ito sa mahigit P20 bilyon bago matapos ang taong 2020.
Ito’y matapos na manguna sa overall tax collections si Taguig-Pateros Revenue District Officer Ray Anthony Geli, kasunod sina RDOs Rebe De Tablan, ng Paranaque City; Ignacio Camba, ng Muntinlupa City; Renato Mina, ng Pasay City; at Merlyn Vicente, ng Las Pinas City.
Nagpamalas din ng mahusay na tax collection performance sina BIR Metro Manila Regional Directors Jethro Sabariaga (City of Manila), Quezon City – (A) Albin Galanza; QC – (B) Romulo Aguila, Jr. at Grace Javier, ng Caloocan City.
Umaasa si Commissioner Dulay na magpapatuloy ang magandang tax collection performance na ipinamamalas ng kanyang mga tauhan, isang senyales na makakatugon ito sa pasanin ng gobyerno sa mahigit P8 trilyong kabuuang utang panloob at panlabas.
Kasama rin sa talaan ng ‘Topnocher Tax Collection Performers’ sa Metro Manila sina Revenue District Officers Rufo Ranario, ng Valenzuela City; Arnold Galapia, ng South QC; Corazon Balinas, ng Cubao; Antonio Ilagan, ng QC-North; Rodel Buenaobra at sina RDO’s Deogracias Villar, Jr., Bethsheba Bautista, Vicente Gamad, Jr., Saripuden Bantog, Cynthia Lobo, Elmer Carolino, Jose Edimar Jaen, Miguel Morada, Jr., Teresita Lumayag, Shirley Calapatia, Linda Grace Sagun, Jose Luna, Jose Maria Hernandez, Carolyn Takata at Lorenzo Delos Santos.
Ramdam na ng mga tax collector ng BIR ang unti-unting pagsulong ng ekonomiya sa bansa sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya.
Paniwala nina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay, bago matapos ang fiscal year 2020 ay makukuha ro posibleng mahigitan pa ang tax collection goal ng Kawanihan.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.