BIR COLLECTION PINAG-IBAYO

Erick Balane Finance Insider

SA selebrasyon ng 115th anniversary ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Philippine International Convention Center (PICC) kamakailan, binigyang-diin ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na kaya nilang kumolek­ta ng hanggang P4 trillion sa huling termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ayon kay Dominguez, ito ay batay sa medium-term program ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) kung saan ang koleksiyon sa buwis ay tataas ng hanggang 10.5 percent mula sa P3.149 trillion ngayong taon, 12.3 percent sa P3.536 trillion sa 2020, 11.8 percent sa P3.953 tril-lion sa 2021 at 11.7 percent naman sa P4.416 trillion sa 2022.

Sa nasabing anibersaryo ng BIR na dinaluhan nina Revenue Regional Directors Romulo Aguila, Manuel Mapoy (Quezon City), Jetro Sabariaga (Manila), Grace Javier (Caloocan), Glen Geraldino, Maridur Rosario (Makati), Albin Galanza (San Pablo), Lorna Tobias (Koronadal), Ed Tolentino (Pampanga), Ric Espiritu (Iloilo) at Dante Aninag (Legazpi), sinabi ni BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Bernardo na ang Kawanihan ay naatasang kumolekta ng P2.271 trillion ngayong taon, P2.576 trillion sa 2020, P2.914 trillion sa 2021 at P3.287 naman sa 2022.

Pahayag ni Secretary Sonny na bukod sa inaasahang malaking koleksiyon ng BIR, inatasan din niya ang Bureau of Customs (BOC) na kolektahin ang halagang P661 bilyon ngayong taon, P731 bilyon sa 2020, P813 bilyon sa 2021 at P900 bilyon naman sa 2022.

Sa kabuuan, ang tax collection ng BIR at BOC bago matapos ang taong ito ay aabot sa P2.995 trillion, P3.32 trillion sa 2020, P3.332 trillion sa 2021 at P4.17 trillion sa 2022.

Samantala, sa usapin sa korupsiyon, sinabi ni Secretary Sonny na  naniniwala siyang unti-unti ay mauubos din ang mga tiwali sa BIR at BOC.

Sa pamamagitan ni DepCom Guballa, muling binalasa ang BIR sa layu­ning wakasan ang korupsiyon at mapataas ang tax collections ng Kawanihan.

Itinalaga ni DepCom Guballa sa kanilang bagong assignments sina Revenue District Officers Socrates Regala sa Bacolod City, Elmer Carolino (Plaridel, Bulacan), Rex Paul Recoter (Batangas City), Antonio Ilagan (Intramuros/Ermita), Tim Renomeron (Biñan City), Alma Cyabyab (San ­Pablo City), Caroline Takata (Lipa City), Rosemarie Talaman (Paco/Pandacan) at Cynthia Lobo bilang bagong RDO sa Cainta/Taytay.

Binalaan ni DepCom Guballa ang mga opisyal at kawani ng BIR na huwag masangkot sa anumang katiwalian dahil hindi nila pahihintulutang ma-mayani ang pagsasamantala sa taxpaying public at sa isang iglap ay masisibak sila sa puwesto.

Ang warning ay ginawa ni Guballa sa harap ng pagkakaaresto kamakailan sa chief ng BIR assessment section at isang revenue examiner kaugnay sa umano’y P75 milyong extortion sa cell company na Vivo.

Ayon kay Guballa, mas mainam na mag-concentrate sa pagkolekta ng buwis ang mga tauhan at opisyal ng BIR sa halip na masangkot sa katiwalian na magbibigay lamang ng malaking kahihiyan sa kanilang pamilya at maging dahilan ng pagkasibak sa trabaho.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.