MAY pahiwatig ang Palasyo na isusunod ang totohanang balasahan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para tuldukan ang umano’y korupsiyon sa nasabing tanggapan.
Under fire umano si BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay matapos na lumabas ang isang ‘video clip’ tungkol sa umano’y korupsiyon sa ahensiya kung saan idinawit ang commissioner at ang executive assistant nito.
Si Commissioner Dulay ay umalis kamakalawa patungong United States kung saan tatagal siya roon hanggang Set. 23. Itinal-aga bilang officer-in-charge si BIR Senior Deputy Commissioner for Human Resource Celia King.
Nagkataon na ipinasailalim ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III sa ‘lifestyle checks’ ang mahigit sa 100 key of-ficials ng BIR at Bureau of Customs (BOC) sa utos ni Presidente Rodrigo Duterte.
Napag-alaman na nakarating na sa kaalaman ni Pangulong Duterte ang lumabas na video clip kung saan mismong ang kolumnistang si Mon Tulfo ang personal na kumausap sa Chief Executive para iparinig ito rito.
Kaharap pa umano ng Presidente at ni Tulfo sina Senator Bong Go, Presidential Spokesman Salvador Panelo at Chief Presiden-tial Protocol Robert Borje nang i-play ang video clip.
Ang eksena ay naganap noong bumisita kamakailan si Pangulong Duterte sa China sa imbitasyon ni President Xi Jinping.
Nang tanungin ni Pangulong Duterte si Tulfo kung sino ‘yung babaeng nagsasalita sa video, pinangalanan ito na si BIR Assis-tant Commissioner Teresita Angeles, habang ang kausap nitong lalaki ay si Don Samson, executive assistant ni Commissioner Dulay.
“To refresh memory, the duo were talking about being left out in what appeared to be illegal and immoral transactions that the BIR made with two large delinquent taxpayers – Mighty Cigarettes Corp. and Del Monte Food Corp.,” ani Tulfo.
“I got hold of the video a month ago, but I wrote about it in my column and put it in my Facebook account only after I was able to identify the two persons in the video as Angeles and Samson,” paliwanag ni Tulfo.
“Mr. President, I’m sorry that I had to be the messenger of the bad news, I know Dulay is your close friend,” sabi ni Tulfo kay Panglong Duterte matapos na marinig at mapanood ang nasabing video.
“Mon (Tulfo), I don’t shoot the messenger, I place him on a pedestal,” sagot umano ng Chief Executive sa kolumnista.
Sinabi ng source na hinihintay na lamang ni Pangulong Digong ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para simulan ang ‘total revamp’ sa BIR.
Noong Biyernes, Set. 6, ay pormal na ring nagretiro sa BIR si Assistant Commissioner for Large Taxpayers Teresita Dizon. Si Quezon City BIR Regional Director Manuel Mapoy ang sinasabing ipapalit kay Dizon.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].