BIR EXEC ‘UNDER FIRE’

Erick Balane

DAHIL sa pagkawala ng tax dockets ng isang examiner sa custody ng hepe ng collection division sa Regional Office sa Caloocan City, nahaharap ito sa kasong administratibo matapos na hindi makakuha ng clearance para magampanan ang kanyang tungkulin sa pagkolekta ng buwis.

Sa kanyang reklamo kay Caloocan City BIR Regional Director Gerry Dumayas, sa hepe ng BIR Regional Investigation Division at Civil Service Commission, sinabi ni Revenue Examinrer Jose Francisco ‘Joey’ David, Jr. na nagdulot ng sleepless nights, anxiety and mental stress ang pagkabalam ng kanyang tax collection performance na kanyang tungkulin abilang isa sa mahigit 10,000 examiners ng BIR.

Sa nilalaman ng kanyang ‘infidelity in custody of documents/deliberate intention for the delay signing of clearance’, sinabi ni David na noong Nobyembre 21, 2018, ibinalik niya sa opisina ng Collection chief ang consolidated tax dockets ng BSJ Fishing and Trading, Inc. para sa taxable year 2005 at 2006.

Sa katunayan, nakakuha siya ng clearance, patunay na siya ay ‘cleared of all money and property accountabilities as well as pending papers/dockets with the government at signatory dito ang dating regional directror at ngayon ay assistant commissioner ng Large Taxpayers Service na si Manuel Mapoy, gayundin sina Caloocan City Assistant Regional Director Joseph Catapia, dating revenue district officer Ariel Caladia, Assessment Division Chief Tita Jadsad, Finance Division Chief Jesosa Bedeja, Administrative and Human Resource Management Division Chief Jovita Galvez, Legal Division Chief, Atty. Ferdinand de Leon, Document Processing Division Chief Vivian Halili, Regional Investigation Division Chief, Atty. Aurora Flor at mismong ang inirerelamo niyang chief ng Collection Division.

Ang pagkuha ni David ng kanyang clearance na ang layunin ay para magamit sa transfer of place of assignments from Revenue District Office No. 24 (Valenzuela City) to VAT Audit Section, Assessment Division ng Revenue Region Caloocan City ay alinsunod sa Revenue Travel Assignment Order NO. 188, May 28, 2018.

“At present years, months and days have passed by and I’m being transferred from my old assignment of the VAT audit section to my new assignment of the RDO 27, my clearance is being hostaged by Ms. A for the missing 2005 tax docket of BSJ Fishing and Trading, Inc. at ito ngayon ang dahilan kung bakit hindi ko magampanan ang aking tungkulin sa pagkolekta ng buwis dahil kung walang ‘clearance’ ay wala ring tax dockets na itinatalaga sa lahat ng opisyal at empleyado ng Kawanihan ng Rrntas Internas,” sabi ni David.

Umapela si David kina BIR Commissioner Caesar Dulay at Director Dumayas na aksiyunan ang kanyang reklamo bago pa niya mapabayaan ang kanyang trabaho at pamilya at para mabigyan siya ng hustisya.

Upang hindi na makadagdag pa sa suliranin ni Commissioner Dulay ang gusot, minabuti ni Director Dumayas na ipatawag sa kanyang opisina bago ang flag ceremory sa Caloocan BIR sa darating na Lunes ang magkabilang panig para maayos ang nasabing problema, magkasundo, bumalik sa normal ang sitwasyon at hindi maapektuhan ang tax collections.

Hinggil sa ikinakasang major revamp sa BIR sa nalalapit na retirement ni DepCom Celia King sa Setyembre 20, sinabi ng source na maaaring sa susunod na linggo ay isumite na ni Commissioner Dulay kay Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III ang talaan ng mga maaapektuhan ng major revamp sa bisa ng Revenue Travel Order (RTAO).

Ayon sa source, ilan sa mga pangalang nababanggit na posibleng pumalit kay DepCom King ay sina Assistant Commissioner Baby Nacar, Makati City BIR Regional Director Maridur Rosario at South NCR BIR Regional Director Ed Pagulayan.

Sa planong revamp sa Kawanihan ng Rentas bago sumapit ang filing ng candidacy sa Oktubre para sa national at local elections sa Mayo, 2022, asahang maaapektuhan ang iba pang matataas na posisyon gaya ng assistant commissioners at regional directors.

Diumano, posibleng mailipat sa ibang posisyon si Large Taxpayers Service Chief Manuel Mapoy matapos lumasap ng matinding ‘shortfall’ sa tax collections.

Ang iba pang pangalang nababanggit ay sina BIR Cebu City Regional Director Glen Geraldino, CaBaMiRo BIR Regional Director Florante ‘Dante’ Aninag, LaQueMar BIR Regional Director Greg Buhain at Legazpi City BIR Regional Director Rozil Rozares.

Sakali umanong mabakante ang Makati City at South NCR regional office, ilan sa mga posibleng maitalaga roon, ayon sa source, ay sina assistant regional directors Rodrigo Rivamonte, Editha Calipusan, Ramir Narvaez at Saripoden Bantog – Regional Directors Gerry Dumayas, Josephine Virtucio at Mahinardo Mailig.

Nababanggit ang pangalan ng nassabing mga regional director at assistant regrional director dahil sa magandang tax collection performance na kanilang ipinamalas.

Kabilang din sa mga nagpamalas ng magandang tax collection performance mula noong Enero hanggang ngayong Setyembre ay sina BIR Regional Directors Florante ‘Dante’ Aninag (CaBaMiro), Greg Buhain (LaQueMar), Ed Pagulayan (South NCR), Ed Tolentino (East NCR), Gerry Dumayas (Caloocan City), Albin Galanza (Quezon City), Maridur Rosario (Makati City), Jethro Sabariaga (City of Manila), Rozil Lozares (Legaspi City), Josephine Virtusio (Calasiao, Pangasinan), Bobby Mailig (Iloilo City), Glen Geraldino (Cebu City) at Emir Abutazil (Davao City).

Topnotchers naman sa tax collections by district level sina Revenue District Officers Rufo Ranario (East Makati Citry), Bethsheba Bautista (West Makati City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City), Deo Villar (Pasig City), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnold Galapia (North), Tony Ilagan (South), Alma Cayabyab (Cubao), Antonio ‘Jun’ Mangubat (East Bulacan), Timm Renomeron (Caloocan City) at Emilia Combes (San Fernando, Pampanga).

vvv

(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag-email sa drerickcbalane@gmail.com.)

21 thoughts on “BIR EXEC ‘UNDER FIRE’”

Leave a Reply

Your email address will not be published.