BIR EXECS AARMASAN VS KFR SYNDICATE?

Erick Balane Finance Insider

PABOR ang Department of Finance (DOF) na armasan ang mga top official ng Bureau of Inter-nal Revenue (BIR) dahil sa patuloy na pagdami ng mga nabibiktima ng notorious na kidnap for ranson (KFR) syndicate para maipagtanggol nila ang kanilang sarili.

Layunin ng sindikato na dukutin sila, ipatubos, tangayan ng malaking halaga ng salapi at ilagay sa panganib ang kanilang mga mahal sa buhay.

Bagama’t sinasabing nabuwag na ng mga awtoridad ang KFR syndicate na nanliligalig sa mga opisyal ng BIR,  pinaniniwalaang posibleng muli itong nabuhay sa ibang leadership.

Ang unang grupo ng KFR na sinasabing nasakote sa isang parte ng pro­binsiya at nahulihan ng mga armas na gamit sa kanilang operasyon laban sa BIR execs na kanilang binibiktima ay nabuwag na matapos na i-report na karamihan sa kanila ay napatay.

Pinaniniwalaang nagbalik ang sindikato at ngayon ay nagsisimula na naman sa kanilang pan-liligalig sa ikalawang bahagi ng kanilang malagim na operasyon.

Noong nakaraang taon ay inilathala natin sa espasyong ito ang serye ng panliligalig ng KFR syndicate.

Ayon sa source, karamihan sa sinasabing biktima ng ‘serial robbery gang’ at kidnap-for ran-som group ay nakatalaga sa Metro Manila at humahawak ng mataas na posisyon.

Ang panukalang armasan ang mga BIR official bilang proteksiyon sa kanilang sarili at pami-lya ay masusing pinag-aaralan ng DOF para irekomenda kung sakali kay Pangulong Rodrigo  Duterte bagama’t kumikilos na sa bagay na ito ang kapulisan, base na rin sa kahilingan ng BIR top management.

Dahil sa ma­tinding takot, ilang opisyal ng BIR ang bihira ngayong mag-report sa trabaho, ang ilan naman ay nakabakasyon.

Marami rin sa mga opisyal na ito, ayon sa source, ang nagsipaglipatan na ng tirahan para sa kaligtasan ng kanilang pamilya.

Hanggang sa kasalukuyan,  ang DOF at BIR ay blangko pa rin sa mga kaganapan sa kawani-han dahil nga wala naman ni isang lumulutang para mag­reklamo na sila’y dinukot o nilooban.

“The Bureau of Internal Revenue is both surprised and alarmed at the news report that came out in the newspaper reports on  alleged victimized by a ‘kidnap-for-ransom gang. The tax agency said that the news reports of the alleged kidnapping is unverified and the amount quoted is specu-lative and without basis yet at this time. Although unverified and unconfirmed, the BIR is seri-ously looking  into the alleged incident to determine its varacity and to undertake the necessary actions, implementing security plan to protect its revenuers.” Ayon sa statement ng BIR.

Noong panahon ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, unang pinahintulutang armasan ang mga BIR personnel, sa katauhan ng mga collection agent. Noong mga panahong iyon, bukod sa tinatakot ay pinagtatangkaang patayin at agawan ng pera mula sa tax collections ang nabanggit na mga  ahente kung kaya inar­masan sila para ipagtanggol ang sarili.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.