DUMARAMI na umano ang ‘missing in action’ sa Bureau of Internal Revenue matapos mabunyag na ang ilan sa mga opisyal nito ay nabiktima ng ‘serial robbery’ gang tangay ang kani-kanilang kaha de yero’, at nitong huli ay nag-shift na umano sa ‘kidnap for ransom’ ang nasabing sindikato, pero wala ni isa sa kanila ang lumalantad para magbigay ng pahayag sa mga awtoridad.
Ayon sa source, nababahala ang Malakanyang sa sitwasyon pero palaisipan din kung bakit walang lumulutang na complainant sa sinasabing mga biktima ng ‘serial robbery’ na pawang tumangay ng ‘caja de yero’ na naglalaman ng mula P20 milyon hanggang P100 milyon, gayundin sa napabalitang dalawang key revenue officials ang dinukot naman ng ‘kidnap-for-ransom gang.’
Karamihan sa sinasabing biktima ng ‘serial robbery’ at kidnap-for ransom, ayon pa sa source, ay nakatalaga sa Metro Manila at humahawak ng mataas na posisyon.
Hindi naman alintana ng Department of Finance at BIR ang posibilidad na maapektuhan ang tax collections ng kawanihan habang wala pang kumpirmasyon sa mga kaganapang ito. Isang emergency command conference ang inihahanda ng DOF-BIR top management para pulungin ang mga opisyal sa kawanihan upang mabatid ang katotohanan sa nasabing isyu.
Maaaring nagkataon lamang na wala sa kanilang opisina at ‘di pumasok ang ilang regional directors at revenue district officers na sinasabing kabilang sa umano’y biktima ng ‘serial robbery’ at kidnap-for-ransom. Maaari umanong isang paraan ito para makaiwas sila sa nagbabadyang panganib sa kanilang buhay.
Marami umano sa mga ito ang bigla na lamang sumusulpot sa kanilang tanggapan at bigla ring nawawala nang walang nakaaalam maski ang kanilang mga sekretarya. Duda ang kanilang mga kasama na maaaring bahagi iyon ng pag-iingat laban sa masasamang loob.
Marami rin sa mga opisyal na ito, ayon pa sa source, ay nagsipaglipatan ng condominium para sa kaligtasan ng kanilang pamilya laban sa sindikato.
Ang Finance department, sa pamumuno ni Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez, at ang tanggapan ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay hanggang ngayon ay blangko sa mga kaganapan sa kawanihan dahil nga wala pa ni isang lumulutang para magreklamo.
Ang napabalitang dalawang RDOs (revenue district officers) ang diumano’y dinukot at pinatutubos ng isang kidnap-for-ransom’ gang ay wala pang kumpirmasyon at hindi rin alam kung pinalaya na ang mga ito at kung ano na ang nangyari sa mga ito.
Sa statement ng BIR kamakailan, sinabi nito na, “The Bureau of Internal Revenue is both surprised and alarmed at the news report that came out in one of the leading papers in the country of two RDO’s who were allegedly victimized by a kidnap-for-ransom gang. The news reports of the alleged kidnapping is unverified and the amount quoted is speculative and without basis yet at this time. Although unverified and unconfirmed, the BIR is seriously looking into the alleged incident to determine its veracity and to undertake the necessary actions, implementing security plan to protect its revenuers.”
Ang unang apat na biktima ng serial robbery ay kinilalang sina alyas Cezar, Combs, Iinday at Cory, na pawang nilooban ng mga armadong lalaki at tinangay ang kanilang kaha de yero na naglalaman ng milyones. Ilan pa sa binabanggit na mataas na opisyal na naunang nilooban ay may posisyon na deputy commissioner, regional director at revenue district officer pero tahimik at hindi nagsipagsampa ng reklamo sa mga awtoridad.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.