ALINSUNOD sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte, muling binalasa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang mga key official ng ahensiya sa layuning higit na mapataas ang tax collections nito.
Itinalaga ni Commissioner Dulay sa mga bagong posisyon sina Revenue District Officers Dennis Floreza (Naga City), Nelia Demalata (Iloilo City), Crister Gatdula (Zariaga, Iloilo), Lilivic Gatdula (Bacolod City), Jose Lourdes Tang (Kalibo, Aklan), Saripoden Bantog (Pasig City), Vicente Gamad (Marikina), Lope Tuvera (Cabanatuan City), Gil Viluan, Jr. (Alaminos City, Pangasinan), Cesar Balangatan (Bayungbong, Nueva Vizcaya), Vivian Tarectecan (Talavera, North Nueva Ecija).
Mercedes Estalilla (Baler, Aurosa), Ma.Thelma Fulhin (Iriga City), Jose Edimar Jaen (Technical Assitant, Office of the Caloocan City Regional Director), Agakman Guro (Balanga City, Bataan), Remedios Advincula, Jr. (Tarlac City), Michael Remir Macatangay (Lipa City), Rosemarie Talaman (Batangas City), Werlita Quimson (Paco, Pandaca, Manila) at Jose Soriano (West Makati City).
Si Commissioner Dulay ay tinagubilinan ni Presidente Duterte na magsagawa ng serye ng pagbalasa sa BIR para linisin ang ahensiya sa harap ng maraming sumbong na patuloy pa ring umiiral ang korupsiyon sa nasabing tanggapan.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang BIR Chief na ilagay sa freezing position ang mga opisyal ng Kawanihan na patuloy pa rin sa pang-aabuso sa kanilang tungkulin at panggigipit sa taxpaying public.
Ang balasahan sa BIR ay inaprubahan ni Finance Secretary Calos ‘Sonny’ Dominguez III.
Inaasahang marami pang susunod na RTAO (Revenue Travel Assignment Order) na ipalalabas si Commissioner Dulay para balasahin naman ang hanay ng mga regional directors, assistants ng mga ito at revenue district officers at kani-kanilang assistants.
Batay sa medium-term program ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang target tax collections ng BIR ngayong fiscal year ay nasa P2.914 trillion at aabot sa kabuuang P3.287 trillion sa taong 2022.
“Mas mainam na mag-concentrate sa pagkolekta ng buwis ang mga tauhan at opisyal ng BIR sa halip na masangkot sa katiwalian na maaaring magbigay ng malaking kahihiyan sa kanilang pamilya at maging dahilan ng pagsibak sa kanilang puwesto,” pahayag ni Commissioner Dulay.
May babala si Commissioner Dulay na agad niyang sisibakin sa puwesto ang sinumang opisyal na mapatutunayang gumawa ng katiwalian o anumang uri ng pang-aabuso sa taxpaying public.
Sinabi ni Dulay na tulad ni Pangulong Duterte ay hangad niyang masawata ang korupsiyon sa naabing tanggapan.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.