BIR KICK-OFF, SINUSPINDE SA COVID-19

Erick Balane

PANSAMANTALANG kinansela ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ‘tax campaign kick-off’ sa mga regional at district office sa Metro Manila dahil sa pa­nganib ng mapaminsalang COVID-19 sa kabila ng deadline ng tax payment sa Abril, 15 ng taong ito.

Sa halip, nanawagan sa taxpaying-public sina Quezon City-A Regional Director Albin Galanza at QC-B Regional Director Romulo Aguila, Jr. na magbayad at mag-file ng annual income tax return bago sumapit ang deadline ng tax payment para hindi magahol at makaiwas sa anumang penalties o paglabag sa probisyon ng National Internal Revenue Tax Code (NIRTC) na may kaukulang kaparusahan.

Batid ng BIR top-management na malaking epekto ang pamiminsala ng COVID-19 sa takbo ng ekonomiya ng bansa, kabilang na ang tax collections ng BIR at maging ng Bureau of Customs (BOC) sa kabuuan.

Ang pagsuspinde sa tax campaign sa QC, Manila, Makati City, Caloocan City at iba pang lugar sa NCR ay bilang pagtugon sa direktiba ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay na ang layunin ay maproteksiyunan ang taxpaying-public sa mga pagtitipon upang maiwasang mahawa sa lumala-lang suliranin sa infected virus.

Ang COVID-19 ay malaking pinsala ang naidudulot, hindi lamang sa Filipinas, kundi, ma­ging sa buong mundo. Sinuspinde ni Pangulong Digong Duterte ang klase kamakailan sa lahat ng antas upang bigyan ng proteksiyon ang mga estudyante laban sa mapaminsalang virus para manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan ang mga kabataan sa pangangalaga ng kanilang magulang.

Sa isang aklat na may titulong “The Eyes of Darkness” ni Dean Koontz na nilimbag taong 1981 sa kanyang science fiction-3, decades ago, tila naging makatotohanan ito at sadyang nagkatotoo na magkakaroon ng ‘super deadly virus’ sa taong 2020.

Narito ang ilang bahagi ng naturang libro:

In around 2020 a severe pneumonia – like illness will spread throughout the globe, attacking the lungs and the bronchial tubes and resisting all known treatments. Almost more baffling than the illness itself will be the fact that it will suddenly vanish as quickly as it arrive, attack again 10 years later, and then disappear completely.

A bacterial infection resembling the flesh-eating disease of several years ago will arrive in 2010, transmitted to humans by almost microscopic mites undetectably imported on exotic birds. Known medication and antibiotics will be completely ineffective against this fungus-like, extremely contagious disease, and in victims will be quarantined until its discovered that the bacteria can be destroyed through some combination of electrical currents extreme heat.

They call the stuff “Wuhan-400” –  because it was developed at their RDNA LABS outside of the city of Wuhan and it was the four-hundredth viable strain of man-made microorganisms created at that research center.

“WUHAN-400” is a perfect weapon. It afflicts only human being. No other living creature can carry it. And like syphilis, Wuhan-400 can’t survive outside a living human body for longer than a minute, which means it can’t permanently contaminate objects or entire places the way anthrax and other virulent microorganisms. And when the host expires, the Wuhan-400 within him perishes a short while later, as soon as the temperature of the corpse drops below 86 degrees Fahrenheit.

It was around then that the Chinese scientist name Li Chen defected to the United States, carrying a diskette record of China’s most important and dangerous new biological weapon in a decade.

Puwedeng sabihin na ang nakasulat sa librong nabanggit ay nagkataon lamang pero tila baga ito ay nangyayari na sa mundo sa kasalukuyan at marami nang bansa ang naaapektuhan ng mapaminsalang tinagurian ngayong COVID-19 na siyang nahahawig sa sinulat ni Dean Koontz sa kanyang aklat na “The Eyes of Darkness.”

Ngayon na ang a­ting bansa ay nasa gitna ng panganib, ito ang tamang pagkakataon upang ang lahat ay magbigkis, magsama-sama at manalangin na sana ay maligtasan natin ang panganib na ito.

(Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09293652344 /09266481092 o email: erickbalane04@yahoo.com)