TIWALA sina Finance Secretary Benjamin Diokno at Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na malalampasan pa ang tax collection target ng ahensiya ngayong fiscal year na P2.639 trilyon dahil sa makabagong sistemang ipinatutupad ng pamahalaan sa pagkolekta ng buwis.
Ang tax goal ng BIR na P2.639 trilyon na mas mataas ng 15% kumpara sa nakaraang target na P2.599 trilyon ay nakabatay sa Budget of Expenditures and Sources ng Financing BESF report na siyang responsable sa paggawa ng karagdagsng tax collections gaya ng mga sumusunod: Personal Income Tax (P185.29 bilyon), Corporate Income Tax (P115.01 bilyon), Value Added Tax on imports (P485.67 bilyon) at Excise Tax na umaabot sa P196.6 bilyon.
Ang ilan naman sa mga batayan ng koleksiyon ng BIR ay ang mga sumusunod: Sin Tax on Tobacco Products, Sugar Sweetened Beverages and Alcohol (P66.99 bilyon), Financial Institutiond Strategic Transfer Law (P2.9 bilyon), Tax Reform Measures gaya ng Corporate Recovery at Tax Incentives for Enterprises Act, Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act at Financial Institutions Strategic Transfer (P67.07 bilyon).
Batay sa record, nakuha ng BIR ang kanilang tax collection goal mula Enero hanggang Nobyembre ngayong fiscal year. Layunin ng ahensiya na mapataas ang kanilang collection ng 13% mula sa P2.599 trilyon na target noong 2022.
Ang 2023 collection target ay nasa P2.639 trilyon. Ito ay mas mataas ng 1.5% kumpara sa target sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. Ang nasabing tax collection goal ay batay sa Medium Term Revenue Program na nakasalig din sa kasalukuyang programa at proyekto ng administrasyong Marcos.
Inaasahang mahihigitan pa ng BIR ang nakaatangsa kanilang tax goal gamit ang digitalisasyon upang mas mapag-ibayo ang kanilang koleksiyon sa buwis na ang layunin ay gaya ng mga sumusunod: pagpapalaganap ng online registration system, online payment system, online filing system, online verification system at online monitoring system.
Ang ganitong uri ng sistema sa makabagong digitalization taxation sa bansa ay nakatulong sa pagpapabuti ng customer service upang maprotektahan ang taxpayers, maisaayos ang taxpayers‘ compliance at mapabuti ang taxpayers‘ experience.
Ang topnocher sa hanay ng regional directors at revenue district officers ngayong taxable year ay si BIR Assistant Commissioner for Large Taxpayers Jethro M. Sabariaga. Tulad ni Sabariaga, naka-goal din sa kanilang tax collections sina Revenue Regional Directors Edgar Tolentino (South NCR), Dante Aninag (Makati City), Albino Galanza (East NCR), Gerry Dumayas (Caloocan City), Renato Molina (Manila) at Bobby Mailig (Quezon City)
Ang tanggapan ng BIR ay isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa korupsiyon at ang bagay na ito ay isang malaking hamon kay Commissioner Lumagui.
Ang paglilinis sa katiwalian sa BIR ay pinasimulan na ni Commissioner Lumagui matapos siyang iluklok sa puwesto ni Pangulong Marcos.
Gayunman, inaasahan ang malawakang balasahan sa BIR sa 2024 dahil sa mga magreretirong opisyal at ang ilan naman ay maaaring mapalitan o mailipat sa ibang pwesto sa sandaling mabigo ang mga itong makuha ang iniatang sa kanilang tax goal at mapatunayang nagpabaya at umabuso sa kanilang tungkulin.
Ito ay itinututuring na isang simpleng solusyon o alituntunin para labanan ang korupsiyon. Subalit dapat din itong ituring na isang kumplikadong proseso upang magkaroon ng malinaw na istratehiya, mekanismo, timeline, budget, monitoring system, evaluation system, feedback system, improvement system, innovation system, sustainability system, accountability system, transparency system, participation system, colllaboration system, learning system, adoptation system at transformation system.
Ang nasabing revamp ay hindi dapat ituring na one-time event o occasional activity, kundi bilang continuous process at hindi maaaring sabihing isang isolated action o independent activity, kundi isang random action o arbitrary activity.
Nais ni Commissiiner Lumagui na patinuin ang BIR laban sa korupsiyon alinsunod sa direktiba ni Presudente Marcos.