KUMPIYANSA si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. na makokolekta nila o posibleng mahigitan pa ang humigit kumulang sa P3 trilyong tax goal ngayong fiscal year dahil sa mga sunod-sunod na programang kanyang inilunsad na nagresulta sa pagtaas ng koleksiyon ng buwis sa buong bansa.
Ito ay bunsod ng patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa sa likod ng pagbuhos ng mga investment.
Sa hanay ng Metro Manila Regional Directors, nanguna sa initial collection performance rating ng Department of Finance na pinamumunuan ni Secretary Ralph Recto si East National Capital Region Regional Director Albino Galanza. Halos dikit lang ang kanyang collections figures sa performance nina South NCR Director Egdar Tolentino at Regional Directors Dante Tan (Makati City), Wrenolph Panganiban (Caloocan City), Renato Molina (City of Manila), Mahinardo Mailig (Quezon City) at iba pa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Mabigat naman ang naging hamon sa hanay ng Revenue District Officers sa buong bansa dahil sa sobrang taas ng kani-kanilang assigned target tax collections.
Subalit hindi ito naging hadlang upang hindi nila makuha ang mga assigned tax goal at inaming malaking tulong ang pagsasailalim sa kanila ng top-management sa mga seminar ukol sa makabagong taxation laws kaya namann na-meet nila ang kani-kanilang goals, indikasyon na makukuha nila ang tax collection goal hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.
Sa initial tax collection performance mula buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong fiscal year, si Revevenue District Officer Linda Grace Sagun (Pasig City) ang top notcher, kasunod sina RDOs Mary Ann Canare (Mandaluyong City), Rommel Tolentino (San Juan City), Alma Celestial Cayabyab (SMART), Marco Yara (Cainta, Taytay), habang si Deogracias Villar (taguig City) naman ang nanguna sa South NCR kasunod sina RDOs Ester Rhoda Formoso (Pasay City), Dennis Floreza (Muntunlupa), Arnel Cosinas (Paranaque City), at Agakhan Guro (Las Pinas City).
Sa kauna-unahang pagkakataon, gumawa naman ng kasaysayan sa Makati City Region si North Revenue District Officer Renan Plata matapos manguna sa collection performance, sumunod sina RDOs Celestino Viernes (West), Abdullah Bandrang (South) at Clea Mare Pimentel (East), habang sa Maynila ay nagpamalas din ng magandang tax collection performance sina RDOs Cherry Baoc (Quiapo), Rebe De Tablan (Sta.Cruz), Agatha Kristie Buizon (Tondo), caroline Takata (Binondo), Jefferson Tabboga (Paco), Rodante Cabellero (Palawan), at Trinidad Villamil (Ermita).
Mahigit P2 bilyon naman ang sumobra sa koleksiyon ng South Quezon City District kumpara sa nakaraang tax collections.
Ito ay matapos makapagtala ng pambihirang record si South Quezon City RDO Larie Delos Santos at sumunod sa kanya sina RDOs Renato Mina (North) Alexander Onte (Novaliches), Yolanda Zafra (Cubao), habang sa Caloocan City naman ay sina RDO’s Frits Buendia (Caloocan City), Romel Morente ( East Bulacan), Estrella Manalo (Valenzuela City), Raymund Ranchez (West Bulacan), Teresita Lumayag (Malabon City), Antonio Mangubat, Jr. (San Fernando South) at iba pa.
Sa kanilang report kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nina Secretary Recto at Commissioner Lumagui na ipagpapatuloy nila sng mga nasimulang programsa upang mapalakas pa ang tax collections sa kawanihan.
Bukod sa BIR, inireport din ni Secretary Recto sa Pangulong Msrcos ang magandang tax collectiin performance ng Bureau of Customs (BOC).