MAY panahon pang makalikom ng karagdagang pondo ang Bureau of Internal Revenue para ipambili ng COVID-19 vaccines matapos ns umapela si BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa taxpaying public na magtulungan, magkaisa at magdamayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis.
Sa kanyang direktiba sa mga BIR regional director at revenue district officer sa buong kapuluan, sinabi ni Commissioner Billy na kailangang mag-doble sipag sa panahong ito ang mga key official ng ahensiya sa pangangalap ng karagdagang pondo para ipambili ng bakuna.
Ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ay naglaan ng P2.5 bilyong COVID-19 vaccine fund sa 2021 national budget, subalit nais ng mga senador na dagdagan ang napakaliit na budget at gawing P100 bilyon upang makasapat sa pangangailangan ng sambayanan.
Bagama’t kulang na sa isang buwan para makakalap ng karagdagang pondo ang BIR, naniniwala si Commissioner Dulay na may malaking puso ang taxpayers para makatulong ng gobyerno sa pagkolekta ng buwis.
Inumpisahan na nina Metro Manila BIR regional Directors Albin Galanza, Jethro Sabariaga, Jun Aguila, Jerry Dumayas, Glen Geraldino, Maridur Rosario at Revenue District Officers Corazon Balinas, Arnold Galapia, Antonio Ilagan, Rufo Ranario, Rodel Buenaobra at iba pa na kumbinsihin ang taxpayers na tulungan ang Duterte government sa pangongolekta ng buwis.
Ayon sa BIR, nasa P3.7 trilyon ang collection target ng kagawaran at ng Bureau of Customs. Ito ay batay sa datos ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) at isang malaking hamon kina Commissioners Dulay at Aduana Chief Rey Guerrero na kolektahin ito.
Base sa DBCC’s medium-term program, ang BIR tax goal for 2020 ay pumapatak sa P2.576 trillion. Ang nasabing figure ay mas mataas ng 13.4% kumpara sa P2.271 trillion ng taxable year 2019, habang ang BOC ay P731 billion o 10.6% na mas mataas sa 2019 target na P661 bilyon.
Ang collection figures ng DBCC ay ibinase nito sa implementation ng fuel marking system, sa approval ng package P1 billion electronic invoicing system at sa pagtaas ng motor vehicle users charge, gayundin sa package-2 plus ukol sa pagtataas ng buwis sa mining industry sa lalim ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) na produkto ng kaisipan ni newly-appointed National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Karl Chua.
Ang total BIR-BOC revenues ng administrasyon ni Pangulong Duterte para sa 2020 taxable year ay umaabot sa P3.536 trillion, mas mataas ng 12% kung ihahambing sa P3.149 trillion sa taxable year 2019.
Ayon sa datos ng DBCC, ang revenue projection ay itinaas mula sa P3.54 trillion sa P3.536 trillion – katumbas ng 16.7% ng Gross Domestic Product (GDP), samantalang ang disbursement program ay paaabutin sana sa P4.42 trillion na tila hindi kakayanin sa sobrang taas na magiging katumbas ng 17.2% ng GDP sa P5.24 trillion o 20.4% ng GDP para sa taxable year 2022.
Mas pabor si Pangulong Duterte na baguhin ang sistema ng buwis para mas malaki ang makolektang taxes at masugpo ang anya’y ‘never-ending corruptions’ sa BIR at BOC.
Binigyang halimbawa ni Presidente Duterte ang gross tax system na siyang gamit ngayon ng mga bansang Singapore, Hong Kong, at Japan na naging matagumpay at nagmistulang modelo ng implementasyon ng tax reform kaya tumaas at tumataas pa ang tax collections ng nabanggit na mga bansa.
Samantala, patuloy ang isinasagawang balasahan sa BIR sa layuning higit na mapalakas ang tax collections ngayong taon hanggang sa huling yugto ng pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa 2022.
Sa pinakahuling Revenue Travel Assignemt Order (RTAO), itinalaga ni Commissioner Dulay bilang bagong RDOs sina Lorenzo Delos Santos sa Quiapo District sa Manila, Jose Luna sa Puerto Princesa, Caroline Takata sa Paranaque City, Rebe De Tablan sa Central Laguna, Timm Renomeron sa Caloocan City, Miguel Morada, Jr. sa West Laguna, Antonio Mangubat, Jr. sa Sta. Maria, Bulacan; Jose Edimar Jaen sa Sta. Maria, Bulacan; Kay Velasco sa West Cavite, Danilo Lino sa East Laguna, Nasrollan Conding sa Cebu City North, Stimson Cureg sa Vigan, Ilocos Sur; Trinidad Vilamil sa Cebu City North at Maglangit Decampong sa Mandaue City.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.