NASORPRESA si Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa ipinamalas na tax collection performance ng BIR Makati-A at San Fernando Pampanga Regional Office matapos nilang mahigitan ang iniatang na tax collection goal.
“Nakakataba ng puso kapag nakikita mong nagtatrabaho nang husto ang mga BIR official na lumasap ng matinding shorfall sa tax collections sa pananalasa ng pandemyang dulot ng COVID-19 at ngayon ay unti-unating nakakabangon at nahigitan pa ang kanilang tax goal,” pahayag ng Revenue chief.
Ito’y matapos na magpursige sina Makati City-A BIR Regional Director Maridur Rosario at Assistant nitong si Greg Buhain na malampasan ang kanilang tax collection goal.
Humataw nang husto para mapataas ang kanilang koleksiyon ang Makati City-A sa pamamagitan nina Revenue District Officers Renato Ruiz, ng East Makati; Emmanuel Ferrer, Jr., ng West Makati; Frederico Pilarca, ng North Makati; at Thelma Mangio, ng South Makati.
Nagpamalas din ng mahusay na tax collection performance si San Fernando, Pampanga BIR Regional Director Edgar Tolentino at kanyang mga RDOs na sina Agakhan Guro ng Tarlac City; Bernadette Mangaoang ng Paniqui, Tarlac; Esperanza Castro ng Olongapo City; Felix Roy,ng Subic Bay Freeport Zone; Maria Thelma Pulhin ng Balanga City, Bataan; Mary Ann Canare ng Angeles City, North Pampanga; Emilia Combesng San Fernando, Pampanga; Gerardo Utanes ng Clark Freeport Zone; Lope Tubera ng Baler, Aurora; Mercedes Estalilla ng Talavera, North Nueva Ecija; at Gil Vinluan, Jr. ng Cabanatuan City, South Neva Ecija.
Sinabi ni Commissioner Dulay na sa gumagandang tax collection performance ng mga regional director at revenue district officer ay ramdam niya na bago matapos ang taong 2020 ay makakamit nila ang inaasam na tax collection goal.
Binigyang-diin ni Commissioner Billy na kasabay ng pagsertipika ni Pangulong Duterte’ bilang ‘urgent’ ang proposed 2021 P4.5 trillion national budget, tumugon din ang BIR sa sipag at tiyaga sa pagkolekta ng buwis para matustusan ang pangangailangang pananalapi ng sambayanan.
Ang ekselenteng tax collection performance matapos na makalasap ng shortfall ang BIR ay nag-ugat sa pag-ukit ng kasaysayan sa pagkolekta ng buwis ng Makati City – (B) sa ilalim nina BIR Regional Director Glen Geraldino at Assistant Regional Director Bobby Mailig.
Sa buwan pa lamang ng Agosto ng kasalukuyang taon iay sumobra na ng mahigit P7 bilyon ang nakolektang buwis o posibleng umabot sa mahigit P20 bilyon bago matapos ang 2020 makaraang manguna sa overall tax collections si Taguig-Pateros Revenue District Officer Ray Anthony Geli, kasunod sina RDOs Rebe De Tablan ng Paranaque City; Ignacio Camba, ng Muntinlupa City; Renato Mina ng Pasay City; at Merlyn Vicente, ng Las Pinas City.
Sinundan ito nina Metro Manila Regional Directors Jethro Sabariaga (City of Manila), Quezon City – (A) Albin Galanza; QC – (B) Romulo Aguila, Jr. at Grace Javier, ng Caloocan City.
Kasama sa listahan ng ‘top performers’ sina Metro Manila Revenue District Officers Rufo Ranario ng Valenzuela City; Corazon Balinas ng Cubao-QC; Arnold Galapia ng South-QC; Antonio Ilagan ng North-QC; Rodel Buenaobra ng Novaliches; Deogracias Villar, Jr. (Mandaluyong); Bethsheba Bautista (San Juan City): Vicente Gamad, Jr. Pasig City); Saripuden Bantog (Marikina City) at Cynthia Lobo (Cainta/Taytay).
Kumpiyansa si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III na magpapatuloy ang magandang performance sa koleksiyon sa buwis hanggang sa papasok na taong 2021, maging sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa 2020.
Ang mga economic manager ni Presidente Duterte ay naniniwalang ang ipinamamalas na tax collection performance ng BIR ay senyales ng unti-unti na ring pagsigla ng ekonomiya ng bansa matapos na pinsalain ng COVID-19.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.