BIR MAKATI TOPNOTCHER SA METRO MANILA

ITINANGHAL si East Makati City Revenue District Officer Atty. Rufo Ranario ng Revenue District Office No. 47 bilang overall tropnotcher sa tax collection sa National Capital Region matapos itong makapagrehistro ng P336,827,065.61 o pinakamataas na porsiyentong 16.98 sa kanyang tax collection performance versus goal para lamang sa buwan ng Oktubre.

Bagama’t may nalalabi pang dalawang buwan (Nobyembre-Disyembre) sa pagtatapos ng 2021 fiscal year ay sobra na ng P1,840,925,324.98 bilyon ang overshoot ni RDO Ranario, bagay na ikinatuwa nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Domiguez III at Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay.

Pumangalawa kay RDO Ranario ang Revenue District Office No. 49, sumunod ang Revenue District Office No. 50 at ang Revenue District Office No. 48 na pawang nasa ilalim ng pamamahala ni Makati City BIR Regional Director Maridur Rosario.

Natuklasan ng mga collection agent ni RDO Ranario na mayroon pala silang mahigit P350 milyong ‘unuploaded collections’ sa ilang bangko sa lungsod at mayroon pa silang hinahabol na mahigit sa P84 milyong ‘unuploaded collections’ na inaasahang papasok bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Ang pagdedeposito ng tax payments sa mga akreditong banko sa bansa ay nilalaman ng ‘memorandum of agreement for authorized agents banks/authorized government depository banks in the collection and remittance of national internal revenue taxes/customs duties/other national collections under the treasury single account frame work.’

Ang nasabing memo ay balak rebisahin upang higit na mapag-ibayo ang koleksiyon ng buwis.

Bukod kay RDO Ranario, nakatuklas din ng mahigit sa P100 milyong ‘unuploaded collections’ sa mga bangko si West Makati City RDO Bethsheba Bautista kaya nakadagdag ito sa kanilang tax collections.

Una nang pinapurihan nina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay ang magandang tax collection performance nina Pasig City Revenue Distrrict Officers Deogracias Villar Jr., Cynthia Lobo ng Mandaluyong City, Thelma Mangio ng San Juan City,  Abdullah Bandrang ng Marikina City,  at Mary-Ann Canare ng Cainta-Taytay sa ilalim ng pamamahala ni East NCR BIR Regional Director Ed Tolentino.

Itinanghal ding top tax collection performers sina BIR Regional Directors Jethro Sabariaga (Manila), Albin Galanza (Quezon City), Gerry Dumayas (Caloocan City), Eduardo Pagulayan at Assistant BIR Regional Directror Saripoden Bantog.

Ang BIR ay inatasang kumolekta ng kabuuang P2.942 trilyon ngayong fiscal year 2021, mas mataas ng 12.r42% kung ihahambing noong 2020.

Sa susunod na taon, ang BIR ay pinakokolekta ni Secretary Dominguez ng   P3.312 trilyon o mas mataas ng 12.49% kumpara sa goal nito ngayong 2021 na matatapos hanggang buwan ng Disyembre.

Ang ilan pang top performers na RDOs sa Metro Manila ay kinabibilangan nina  Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (North, QC), Antonino Ilagan (South, QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao, QC), Theresita Lumayag (Tondo, Manila), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan), Stimson Cureg (Valenzuela City), Timm Renomeron (Caloocan City) at Jose Luna (Puerto Princesa City, Palawan).

vvv

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa drerickcbalane@mail.com.