NALAMPASAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang tax collection target nito noong Abril.
Ayon sa BIR, nakakolekta ito ng P336.020 billion noong Abril, na mas mataas ng 11.67% o P35.114 billion kumpara sa collection goal nito na P300.9 billion para sa period.
Year-on-year, ang koleksiyon ng ahensiya ay lumago ng 40.24% o P96.416 billion kumpara sa P239.6 billion na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
“These figures are based on the Final Collection Report of the BIR as of May 12, 2023,” ayon sa BIR.
Year-to-date ang koleksiyon ng BIR ay nasa P841.179 billion, tumaas ng 13.31% o P98.809 billion mula sa tax collections sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Para sa unang apat na buwan ng taon, nagawa ring lampasan ng BIR ang collection goal nito ng 1.73% o P14.319 billion.
“The remarkable collection performance of the bureau, especially for the month of April 2023, is an indication that many Filipinos heeded the call of Commissioner (Romeo) Lumagui to file their 2022 Annual Income Tax returns on time and to pay the correct taxes to raise the much-needed revenues to support the government’s various development projects,” ayon pa sa BIR.