BIR OFFICE NAKA-LOCKDOWN

Erick Balane Finance Insider

APAT na araw na naka-lockdown  ang mga tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kabilang ang main office nito sa Quezon City, makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilang opisyal at kawani ng ahensiya.

Nagsimula ang lockdown noong Huwebes, Enero 6.

Sa kanyang memorandum order, agad ipinag-utos ni BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay ang massive disinfection sa buong pasilidad ng mga gusali.  Bukod sa main office, naka-lockdown din ang ilang district office ng BIR gaya ng QC North, Pasig City, Manila, Makati, Bulacan, San Juan, Mandaluyong at iba pa.

Para mapigilan ang paglobo ng mga opisyal at kawani ng Rentas Internas na tatamaan ng  COVID-19, binigyan ng go signal ni Commissioner Dulay ang mga regional director na agad i-lockdown ang kanilang nasasakupan sa sandaling mayroon pang magpositibo sa COVID-19.

Ang BIR at Bureau of Customs (BOC) ang pangunahing collecting agencies ng bansa.

Sa kabila ng pandemya, nakuha pa rin ng Kawanihan ang inaasam nilang  tax collection goal.

Sa kanyang year-end report kay Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III, sinabi ni Dulay na maganda ang ipinamalas na collection performance sa regional at district levels at kumpiyansa siyang makakamit ang 2021 target tax collections na P2.932 trillion – mas mataas ng 12.42% kumpara sa taxable year 2020.

Ngayong fiscal year 2022, ang tax collection goal ng BIR ay P3.312 trilyon, mas mataas ng 12.4% kung ihahambing sa 2021 fiscal year, na ayon sa Department of Finance (DOF) ay kayang kolektahin mula Enero hanggang Disyermbre 2022.

Pinapurihan nina Commissioner Dulay at Secretary Dominguez ang magandang collection performance nina BIR Regional Directors Florante Aninag (Laguna-Batangas-Mindoro-Romblon), Greg Buhain (Laguna-Quezon-Marinduque), Albin Galanza (Quezon City), Edgar Tolentino (East NCR), Gerry Dumayas/Corazon Balinas (Caloocan City), Eduardo Pagulayan/Saripoden Bantog (South NCR), Jetrho Sabariaga (Manila), Maridur Rosario (Makati City), Glen Geraldino (Cebu City), Emir Abutazil (Cagayan De Oro City), Mahinardo Mailig (Iloilo City), Josephine Virtucio (Bacolod City), Joseph Catapia (San Fernando, Pampanga),  Davao City, Koronadal, Butuan, Calasiao, Cordillera Administrative Region, Tuguegarao, Legazpi, Eastern Visayas, at Zamboanga.

Topnochers naman sa district levels sina Revenure District Officers Rufo Ranario (East, Makati City), Federico Pilarca (North Makati City), Ma. Susana Santos (South Makati City), Bethsheba Bautista (West Makati City), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (North QC), Antonino Ilagan (South QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao), Deogracias Villar, Jr. (Pasig City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan), Timm Renomeron (Caloocan City), Stimson Cureg (Valenzuela City), Renato Mina (Taguig City-Pateros), Renato Ruiz (Pasay City), Emilia Combes (Tondo-Sanicolas), at Teresita Lumayag (Binondo).

“Nakuha ni RDO Ranario ang pagiging No. 1 sa overall tax collections sa kanyang monthly accomplishment report for December 2021 when he increased in goal and collection by 47% and 57% respectively, close to 2nd for the month is RDO 49 at 20% commulatively for the whole year of 2021 and establishred 1 double digit increase in goal and by comparativre collections last year with growth rate of more than 2%,” sabi ng collection division chief ng BIR Makati.

Taong 2020 nang bigyan ng komendasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay matapos makuha ang tax collection goal sa kabila ng pandemya.

Ihahayag ni Secretary Dominguez ang total tax collections ng BIR at BOC sa kalagitnaan ng buwan ng Enero matapos mai-tally ang buong koleksiyon by districts and by region upang malaman kung magkano ang sumobra sa iniatang sa kanilang tax collection goal.

Sinabi ng source na kahit naka-goal ang karamihan sa mga opisyal ng BIR ay posibleng ipatupad ang major shakeup sa hanay ng mga regional director  at RDO ngayong 2022 dahil bahagi ito ng isinasagawang management reorganizations para maiwasan ang familiarization sa taxpayers na kadalasang sanhi o ugat ng corruptions.

vvv

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa [email protected].