SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-Graft law ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kinilala ni NBI Regional Director Moises Tamayo ang respondent sa kaso bilang isang Revenue Officer IV na si Flora Albao ng BIR’s Revenue District Office-93A (RDO-93A).
Sinabi ni Tamayo na ang mga kasong inihain laban kay Albao ay paglabag sa 294 of the Revised Penal Code; Tax Reform Act of 1997; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Offices and Employees.
Si Albao ay nasa pansamantalang nasa kustodiya ng NBI matapos siyang maaresto sa entrapment noong Biyernes sa tanggapan ng RDO-15 sa Barangay Zone 4.
“The entrapment operation was launched after a businesswoman filed a complaint of harassment (against the suspect),” ani Tamayo.
Sinabi ni Tamayo na nakatanggap ang negosyanteng babae ng notice na nagsasaad na mayroon siyang P30.7 milyon na tax liabilities at binigyan ng limang araw para mag-ulat sa RDO-93A.
Nagtungo sa opisina ng BIR ang negosyante at inutusang magsumite ng mga kaukulang dokumento para mabawasan ang kanyang buwis.
Inalok din umano ni Albao ang negosyante na mababawasan ang kanyang tax liabilities kapag nagbayad ito ng P1 milyong “SOP” o standard operating procedure.
Sa takot ng negosyante nagbigay ito ng pera ngunit P500,000 lamang ang kaya niyang maibigay Kaye Albao.
“She (businesswoman) was given a grace period to pay the remaining amount of PHP500,000 but the complainant, upon sensing she is being extorted, decided to report to our office,” dagdag pa ni Tamayo.
Aniya, ang suspek ay nahuli sa “flagrante delicto” o ‘caught in the act in committing the offense’ sa panahon ng operasyon.
PAUL ROLDAN