BIR PASIG TOPNOTCHER SA TAX COLLECTIONS

BUMANDERA sa kauna-unahang pagkakataon, sa huling quarter ng 2021, ang distrito ng Pasig City sa overall tax collections.

Sa datos ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na isinumite sa Department of Finance (DOF),  mula Enero hanggang Oktubre 2021 ay nanguna ang Pasig City Revenue District Office sa tax collections sa ilalim ng pamamahala ni Revenue District Officer Lawyer Deogracias Villar, Jr.

Ang distrito ng Pasig City ay bahagi ng Revenue Region No. 7B East NCR na pinamamahalaan ni BIR Regional Director Edgar Tolentino at ng assistant nitong si Wrenolph Panganiban.

Ikinagalak ito nina Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III at BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa kanilang tax collection report kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sumunod sa Pasig District Office na may pinakamagandang tax collection performance sina RDOs Cynthia Lobo ng Mandaluyong City, Thelma Mangio ng San Juan City, Abdullah Bandrang ng Marikina City, at Mary-Ann Canare, ng Cainta-Taytay.

Sa magandang ipinamalas na tax collections ng BIR East NCR, umaasa sina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay na makukuha ng Kawanihan ang 2021 tax collection goal na P2.942 trilllion, mas mataas ng halos 12.42% kumpara sa 2020 tax collection goal.

Nagpamalas din ng magandang tax collection performance sina BIR Regional Directors/Assistant Directors Jethro Sabariaga/Eric Diesto (Manila), Albin Galanza/Claire Corpus (Quezon City), Gerry Dumayas/Corazon Balinas (Caloocan City), Eduardo Pagulayan/Saripoden Bantog (South NCR),  at Maridur Rosario/Rodrigo Rivamonte (Makati City).

Mismong si Presidente Duterte ay nagulat sa magandang collection performance na ipinamalas ng BIR.

Noong  2020 na nagsimulang maminsala ang COVID-19 sa ekonomya ng bansa ay nagawa pa rin ng Kawanihan na makuha ang iniatang sa kanilang tax goal.

Sa katunayan, pinarangalan pa ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Gayunman, bagaman  naka-goal ang BIR (2020/2021), itinuturing na matindi pa ring suliranin ang kakaharapin ng Kawanihan sa huling taon ng termino ni Pangulong Duterte sa 2022 dahil nasa P3.312 trilyon ang bubunuin nilang tax goal na mas mataas ng 12.49% kumpara sa goal ngayong 2021.

Subalit  sa paniniwala nina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay ay kayang harapin ng BIR, maging ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Guerero ang koleksiyon sa buwis dahil sa gumagandang takbo ng kalakalan sa bansa matapos na luwagan ang quarantine restrictions sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Malaking bahagi rin ang ipinamalas na collection performance ng Metro Manila Revenue District Officers (RDOs) sa pagkakasalba ng BIR para maiwasan ang bantang ‘shortfall’ sa tax collections sa halos magdadalawang taong pamiminsala ng COVID-19.

Ilan dito ay sina RDOs Rufo Ranario (East Makati City), Bethsheba Bautista (West Makati City), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (North, QC), Antonino Ilagan (South, QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao, QC), Antonio Mangubat, Jr. (East Bulacan), Stimson Cureg (Caloocan City), Jose Luna (Puerto Princesa City, Palawan) at iba pa.

Sa mga susunod na araw ay posibleng ihayag ng DOF at BIR ang minor reshuffle sa nasabing tanggapan, depende sa mga mababakanteng puwesto dahil sa pagreretiro, promosyon, demosyon at iba pang mga kadahilanan.

vvv

Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa  09266481092 o mag- email sa drerickcbalane@mail.com.