BIR PINALAKAS ANG PH FINANCIAL EXECS PARTNERSHIP SA PAMAMAGITAN NG FINEX MEET

DUMALO si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. sa 2nd General Membership Meeting ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX).

Tinalakay niya ang recalibration ng BIR mula sa collection goal-driven agency sa pagiging service-oriented sa harap ng mga miyembro ng FINEX noong nakaraang February 22 sa New World Hotel Makati.

“Kami ang dapat nagtutuon ng pansin sa inyo dahil kayo ultimately ang sineserbisyuhan ng BIR and that is why our focus is really on the taxpayers. We are thinking of ways to reach out to the taxpayers and educate them,” sabi ng halos tatlong buwan pa lamang na itinalagang commissioner.

Binigyang-diin niya na tinatanggap at binibigyang-halaga ng BIR ang lahat ng komento, suhestiyon, at opinyon mula sa publiko.

Naniniwala rin siya na ang isang well-informed taxpayer ay nagreresulta sa pagtaas ng voluntary compliance sa kanilang tax obligations.

Itinampok ng commissioner ang apat na ‘areas of concern’ na pagtutuunan ng pansin ng BIR: Excellent Taxpayer Service; Intensification of Enforcement Activities; Transparency and Integrity; at Digitalization and Automation of Processes.

Binigyang-diin din niya na ang approach ng BIR ay sesentro ngayon sa taxpayers sa pagpapalawak sa ISO certification ng lahat ng tanggapan nito para ma-cover ang iba pang mga serbisyo at mapadali ang lahat ng proseso nito.

Sa naturang pagpupulong ay inilarawan ni Lumagui ang FINEX “as the seedbed for international leadership and a platform of national advocacy for financial issues.” Naniniwala rin siya na ang FINEX ay maaaring maging isa sa valued partner ng BIR sa mandato nito na kumolekta ng buwis sa pamamagitan ng pagpapatupad ng tax laws para sa nation-building at pag-aangat ng buhay ng mga Pilipino.

Ayon kay Lumagui, inaasahan ng bureau ang full collaboration sa FINEX sa mahigpit na pakikipagtulungan sa BIR na pangunahing nakatuon sa ‘four areas of concern’ na plano ng BIR na i-recalibrate.

“In effect you are helping the government attain sustainable economic growth and development,” dagdag pa niya.

“The collection goal of the BIR should be treated as the goal of FINEX and every Filipino, for it will ultimately redound to infrastructures that will uplift Filipino lives.”

Winakasan ng commissioner ang kanyang mensahe sa 2023 battle cry ng BIR na, “Tulong-Tulong sa Pagbangon, Kapit-Kamay sa Pag-ahon. Buwis na wasto, Alay para sa Pilipino”.