NAKAKOLEKTA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamumuno ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ng P273.134 bilyon na net tax refund ngayong 2023, dahilan upang malampasan nito ang tax collection goal ng 5.09% o P13.224 bilyon.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 38.37% o P75.744 bilyon kung ihahambing sa kaparehong tax collection period noong nakaraang taon.
Agad pinapurihan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ekselenteng tax performance ni Commissioner Lumagui kasabay ng panawagan na ipagpatuloy nito ang gumagandang sistema ng pagkolekta ng buwis at paghabol at pagsasampa ng kaso sa mga negosyante at indibidwal na patuloy sa pandaraya ng buwis.
“In terms of commulative collections from January up to the end of December, naniniwala ako na mahihigitan pa o ganap na makukuha ng Kawanihan ang iniatang na tax goal. The BIR’s total gross collection stood at P1.442 trillion (net of tax refund), which is higher by 12.21% of P162.404 billion compared to tax vollections for the ssme period last year,” sabi ni Commissioner Lumagui.
Ang magandang tax collection performance ng BIR ay attributed naman ni Commissiiner Lumagui sa sipag at tiyaga nina Metro Manila BIR Regional Directors Dante Aninag (Makati City), Edgar Tolentino (South NCR), Bobby Mailig (Quezon City), Albin Galanza (East NCR) Gerry Dumayas (Caloocan City) at Renato Molina (City of Manila).
Para sa calendar year 2023, ang BIR collection target ay itinakda sa P2.639 trilyon. Ito ay mas mataas ng P303.500 bilyon o 12.99% kung ikukumpara sa tax collection noong 2022.
“With intensification of the Bureau’s tax enforcement activities, especially on the campaign againts sellers and buyers of ‘fake receipts’, and our new-forged partnership with multi-sectoral groups for the enhancement of taxpayer’s service, we are confident that the BIR can attain, if not surpass, its annual collection target this year,” dagdag pa ni Commissioner Lumagui.
Maging ang tax collections ng Large Taxpayers Service (LTS) sa ilalim ng pamamahala ni BIR Assistant Commissiiner Lawyer Jethtro Sabariaga ay tumaas din, idagdag pa ang sunod-sunod na pagsalakay na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga peke o hindi registered products sa mga mall o department store, at iba pang excise products na hindi binayaran ng buwis.
Kamakailan ay mahigit sa 390,000 bote ng pabango ang nakumpiska ng BIR sa nationwide perfume at toilet water enforcement operations sa mahigit 400 establisimiyento na may P604.3 million na tax liabilities.
Ayon sa BIR, ang nationwide raid ay isinagawa noong September 27 at 28, 2023.
“Four hundred plus factories, warehouses, and stores containing 390,000+ bottles of perfume and toilet water were raided by the BIR for violating excise tax regulations. Big or small, every business has to comply with Excise Tax regulations,” sabi nj Commissioner Lumagui.
Nakasaad sa Revenue Regulations No. 9-2023 na, “every person, whether individual or juridical entity, who intends to engage in business as a manufacturer, producer, or brand owner availing the services of a toll manufacturer, subcontractor, or import-dealer of perfumes and toilet waters shall file an application in writing for a permit to engage in such business with the Commissioner of Internal Revenue through his duly authorized representative.”
“Whether the individual or entity is a local manufacturer or producer, brand owners engaging importers, or toll manufacturers or subcontractors, permits should be secured from the excise LT (Large Taxpayer) regulatory division,” ayon pa sa BIR.