NAGPAMALAS ng kanilang pagsisikap ang Regional Directors (RDs) at kanilang Revenue District Officers (RDOs) na makuha ang iniatang sa kanilang tax collection goal sa nalalabing mga buwan ng taon.
Una nang iniulat ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui, Jr. kay Finance Secretary Ralph Recto na kumpiyansa itong makakamit ang nasabing goal bago matapos ang nalalabing dalawang buwan makaraang maka-goal din ang mga RDs at RDOs sa Metro Manila.
Hindi inilabas ng Deparment of Finance (DOF) ang official tax collection performance ng mga regional directors at revenue district officers na naka-assign sa mga probinsya bagama’t halos nakamit din ng mga ito ang inaasam na target.
Ipinabatid ng mga RDs kina Secretary Recto at Commissioner Lumagui ang ipinamalas na tax collection performance ng kanilang mga nasasakupang RDOs sa provincial level, alinsunod sa kautusan ni Commissioner Lumagui na pag-ibayuhin ang tax collections sa kanilang nasasakupan.
Sa Metro Manila, una nang pinapurihan nina Secretary Recto at Commissioner Lumagui ang tax collection performance ni BIR Regional Director Albino Galanza (East NCR) at ng kanyang mga RDO na sina Mary Ann Canare (Mandaluyong City), Rommel Tolentino (San Juan City), Linsa Grace Sagun (Pasig City), Alma Celestial Cayabyab (S.M.A.R.T.) at Marco Yara (Cainta, Taytay).
Gayundin si Dir. Edgar Tolentino (East Makati) at kanyang mga RDO na sina Deogracias Villar (Taguig City), Ester Rhoda Formoso (Pasay City), Arnel Cosinas (Parañaque City) Agakhan Guro (Las Piñas City), Dennis Floresa (Muntinlupa City), Clea Mare Pimentel (East Makati), Dir. Renato Mina (Makati City), Renan Plata (North Makati, Celestino Viernes (West Makati), Abdullah Bandrang (South Makati), Dir. Mahinardo Mailig (City of Manila), RDO’s Agatha Kristie Buizon (Tondo), Caroline Takaya (Binondo), Rebe De Tablan (Sta. Cruz), Cherry Ibaoc (Quiapo), Trinidad Villamil (Intramuros), Jefferson Tabboga (Paco), Rodante Caballero (Palawan), Dir. Wrenolph Panganiban (Caloocan City), Frits Buendia (Caloocan City), Ester Manalo (Valenzuela City), Teresita Lumayag (Malabon City), Raymund Ranchez (West Bulacan), Romel Morente (East Bulacan), Dir. Rhodel Buenaobra (Quezon City), Alexander Onte (Novaliches), Renato Mina (Qc North), Lorenzo Delos Santos (Qc South), Yolanda Zafra (Cubao),
at RDO Antonio Mangubat, Jr. ( San Fernando Pampangga).
Ito ay makaraang maka-goal sila mula Enero hanggang Agosto ng taong ito.
Umaasa si Secretary Recto na sa susunod na taxable year ay mas pag-iigihan ng mga RD
at RDO sa buong bansa ang kanilang tax collection perfirmance dahil sa awtomatikong pagtaas ng kinokolektang buwis taon-taon.
Kumpiyansa si Commissioner Lumagui na mas lalong sisipagan ng mga RD at RDO sa buong bansa ang pagkolekta ng buwis, alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na mapanatiling mataas ang tax collections upang matugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng bansa.