ITINANGHAL na ‘topnotcher’ sa overall collection ang Revenue Region No. 7-A sa isinagawang monitoring ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III alinsunod sa kautusan ni Presidente Rodrigo Duterte na tutukan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sipagan ang pagkolekta ng buwis sa harap ng pangangailangan sa pondo para tugunan ang pandemya at mga kalamidad na tumama sa bansa.
Sa kanyang report kay BIR Commissioner Caesar ‘Billy’ Dulay, sinabi ni QC-A BIR Regional Director Albin Galanza na nakuha nila ang iniatang na tax collection goal mula buwan ng Enero hanggang kalagitnaan ng Nobyembre sa magandang collection performance na ipinamalas nina QC Revenue District Officers Antonio Ilagan (North), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (South) at Corazon Balinas (Cubao).
Nagrehistro ng napakataas na percentage sa tax collections si RDO Ilagan nang tumaas sa 17.90% ang koleksiyon nito sa buwan ng July, 18.18% sa buwan ng Agosto, 23.91% sa buwan ng Setyembre at pumalo sa 42.83% sa buwan ng Oktubre nang makakolekta ito ng P1,278,693,015.17 at mahigitan ang goal na P895,226,280.68 o sumobra ang koleksiyon ng halos P383,466,734.49 na itinuturing na ekselenteng koleksiyon sa buwis.
Bumandera naman sa Caloocan City Regional Office ang Valenzuela District Office nang mag-top sa overall collections si Valenzuela City RDO Rufo Ranario sa regional program on rewards, awards and incentives for service excellence makaraang makakolekta ito ng P3,677,163,911.40 at mahigitan ang target goal na P3,497,666,000.00 para sa buwan ng Oktubre.
Sa report ni BIR Manila Regional Director Jethro Sabariaga kay Commissioner Dulay, tumaas din ng 48 percent ang overall collections nito nang manguna sa collection perfrmance sina RDOs Caroline Takata (93%), Linda Sagun (79%), Jose Luna (48%), Jose Maria Hernandez (44%), Lorenzo Delos Santos (41%), Teresita Lumayag (29%) at Shirley Calapatia (21%) o umabot sa P1.1 bilyon sa goal.
Sa pinakahuling Travel Assignment Order na inisyu ni Commissioner Dulay, itinalaga nito bilang bagong chief ng Regular LT Audit Division ng Large Taxpayers Service si dating Cubao RDO Corazon Balinas at ninombrahan din sina Simplicio Cabantac, Jr., hepe ng Excise Audit Division at Celesgtial Cayabyab bilang bagong RDO sa QC Cubao District.
Kumpiyansa si Commissioner Billy na magpapatuloy ang magandang tax collection performance na ipinamamalas ng mga kolektor ng BIR sa hangarin ni Pangulong Duterte na mapalakas ang tax collection system para may mapagkunan ng malaking pondo, lalo na para sa mga gastusin sa imprastraktura, pandemya at makabuluhang proyekto ng bansa.
Buo ang paniwala nina Secretary Dominguez at Commissioner Dulay na bago matapos ang fiscal year 2020 ay makukuha rin o posibleng mahigitan pa ang tax collection goal ng Kawanihan.
Para sa komento o opinion, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.