BIR SA PUBLIKO: TAX EVADERS ISUMBONG

TAX EVADERS

HINIMOK ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga kompanyang hindi nagbabayad ng tamang buwis at hindi nag-iisyu ng resibo.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Marissa Cabreros, umiiral pa rin ang kanilang reward system sa harap ng pinaigting na kampanya laban sa mga tax evader.

Gayunman, nilinaw niya na ang pabuya ay ipag­kakaloob lamang para sa mga complainant na maghahain ng pormal na salaysay sa kanilang pro­secution division.

Aniya, hindi kasali sa bibigyan ng pabuya ang anonymous complaint laban sa mga tax evader.

Bukod sa mga tax evader,  maaari ring ireklamo ang mga tiwaling tauhan ng BIR.

Maaari ring idaan online ang mga reklamo sa pamamagitan ng pag- email sa [email protected].

Comments are closed.